Ang Awit ni Ely, at ang Kaso ni P.P
March 31, 2009
Puwede bang itigil mo na
Ang pag-ikot ng mundo…

Magandang Araw mga bata! Nakikita ninyo ngayon ang sikat na drawing ni Juan — Ang Spolarium. Na ang ibig sabihin sa tagalog ay : Hilahin mo ko Kuya sa Dilim.Na ginawa ring pelikula na hindi bumenta ‘nung dekada 80. Ok! At ngayon naman lumayo muna tayo sa kalokohan at dumako naman tayo sa pagaaral ng awit ni Ely na pinamagatan ding Spolarium.
…
Matagal ko nang kinakanta ito pero nito ko lang nalaman ang ibig sabihin ng kantang inakala ko ay kanta ng lasenggo, Ang Spolarium. Sa mga hindi alam ang pinagsasabi ko at napapakamot ng ulo, aba!, search mo kaya kay Yahoo o kaya i Google mo ng magkaintindihan tayo.
Sabi ng iba hango daw ito nung nagfieldtrip daw ang E-Heads sa pangunguna ni Ely Buendia sa National Museum at ng makita ang Higanteng drawing ni Juan namangha daw ang apat. At ‘yon ganun ganun daw nalikha ang kanta. (more…)
Kunwaring Graduation
March 30, 2009
A graduation ceremony is an event where the commencement speaker tells thousands of students dressed in identical caps and gowns that ‘individuality’ is the key to success.
-Robert Orben
Graduation. Ang Pagtatapos. Nakikita ko na ang eksena. Nakangiti ang aking mga magulang habang slow motion akong naglalakad paakyat sa stage. This is it. Tumutunog ang tunog latang opera sa lumang Cd ng iisang soundtrack ng mga Graduation. Dahan-dahang naglalakad, dinadamdam ang bawat hakbang. May kabagalan dapat, kasi minsan lang ang ganitong pagkakataon na magsusuot ako ng pormal na kasuotan. Malay ko ba kung last day ko na’yun at least diretso na.
Ayan na, nakaapak na ko sa Stage. Ayan na nakangiti na rin ang matandang magaabot ng kunwaring diploma. Ayan na, nakuha na ng klasmeyt kong nauna ang papel na pambalot sa tinapa. Ayan na, tapos na ang moment nya ngumiti siya kinamayan ang mga taong bumubuo sa programa. Ayan na, ako na tatawagin na ang pangalan kong pangmayaman. Ayan na, ibubuka na ng emcee bibig niya at bibigkasin naang pangalan ko “Aaahhh”.
“Espiritu Diana…”
“Huh?!”
“….” (more…)
The Writer is IN
January 18, 2009Hindi ko alam kung paano simulan ang entry na ‘to. Iniisip ko kung gagawin ko na naman ang paghingi ng pasensya sa ‘di ko pagsusulat. Wala akong sakit. May pagkakataon lang talaga na mahirap isingit ang ibang nais mong gawin sa pila ng oras mo. Nakakaasar nga kasi sinimulan ko ‘to tapos ‘di ko naman pala kayang ituloy ng ituloy. Ganun pala ‘no? kahit na nagkukunwari ka, nagiging makatotohanan na para sa kin na merong mga naghihintay para sa king pagbabalik(hindi sa showbiz). Nakakatuwa lang isipin na NKKSLt na pala ako hindi lang NKKBS . Pero sa sandaling ito, tumutulo na ang luha ko. Totoo walang halong kakornihan. Sa dahilang ang sakit pala sa mata ng radiation ng computer. Napakatindi. Mukha na kong adik sa pula ng mata ko. Kulang na lang ng props na shabu.
Bale kung updates lang naman sa buhay ko ang gusto niyong malaman kahit mukhang ayaw niyo naman talagang malaman sasabihin ko pa rin para lang sa kaligayahang di niyo naman mararamdaman . Sa akin na lang kung ano yun, maiyak pa kayo tapos isulat niyo ‘tong kwento ko sa Wish ko lang . Ayoko namang ma-feature sa ganong show. Yung mukha akong kakaawaan ng buong kalawakan tapos bibigyan ng sangkatutak na supresa para matupad lang ang hangarin ng show nila. Wag naman (pero sa Showbiz Central , baka pwede pa…).
Bale ito yung mga updates:
- Nag oojt na ko, Sa kumpanyang may mga empleyadong batikan sa larangan ng pagiging seryoso. Mga empleyadong puro kaberdehan ang lumalabas sa bunganga, galumot sa berde. Hindi man lang nila naisip na may batang nakakarinig sa mga usapan nila, kahit sino pwede silang i-rate ng Rated-18 sa mga pinagsasabi nila. Akala niyo, bata pa ko(kahit hindi halata). Mga bastusin kayo ah! .Kung saang kumpanya? tanong niyo sa mga sinaunang tao sa Pilipinas.
- Matagal na pala akong hindi nagtatrabaho mga 48 years na ang nakakaraan kaya sa mga nagtatanong kung paano ibadyet ang sweldo ang sagot ay: EH DI BADYETIN!! . simple.
- Nagpagupit na ko ng buhok kanina lang. Eto mukha na ulit akong tao. Salamat sa barberong seryoso sa kanyang career. Sabi ko sa kanya “Keep up the goodwork” sabay tapik sa kanyang balikat sa matagumpay na operasyon. Alalahaning kunwari lang ang huli kong sinabi.
- Pumuputi na ko. Tumatalab na ang clorox sa mukha.
- Bago na ulit ang alulod namin sa bahay. Pero luma pa rin ang mga nakatira.
- May malubhang sakit yung kapitbahay naming mahilig magpausok pag nagsasampay kami. Kaaway ng nanay kong kamaganak ni Darna.Hindi ko alam kung dahil sa kalalanghap niya ng usok o sa pagsinghot niya nakuha niya ang sakit na pupuksa sa kanya. Wish ko mabigyan pa siya ng pagkakataong magbago. Akala ko nga tigok na nung isang gabi, akala ko lang pala.
- Bale… wala na rin pala akong maisip na update.
- The End.
BAWAL MAGSULAT DITO!
November 4, 2008Maraming Pilipino ang masasabing literado. Literado ka! Literado ka!. Pero ,the question is… marami rin ba sa pinoy na literado ang masasabing Edukado?. May taas kamay at taas paa na magsasabi “Oo!” ; May iba naman na magsasabi ng “HINDI noh!”; at may iba ring sasabihing “ewan, pakilam ko!”.Iba’t ibang tao. Iba’t ibang opinyon. Pero labas muna tayo sa usapang yan, pasok muna tayo sa C.R. Oo, sa C.R nga.

Photo by: joankatherine <flickr.com>
Minsan, umihi ako sa isang kilalang Mall. Syempre sa C.R ng Mall. Sa Boys C.R. Habang ginagawa ko ang natural na ginagawa ng mga taong pumapasok sa C.R. May napansin ako sa dingding ng cubicle na kinaroroonan ko, nakasulat ang ganito: HI! I’M A GURL, NID TXTM8. TXT ME . 09##-#######. BOYS ONLY!!.
Huh!? Paano may nakapasok na babae dito?.
At bukod dun marami pang sulat ang magpapapansin sa ‘yo na kumakaway at nagsasabi “Hi! pansinin mo ko!” . May naghahanap ng txtmate, classmate, s*xmate, housemate at panghalo sa kape Coffee Mate. May mga mensahe din para sa mga minamahal . Mga panawagan sa mga taong nawawala at itim na tuta.Maraming sulat.Aakalain mo tuloy phase out na ang papel sa mundo na dapat sulatan ng mga kalokohang ito. Hindi ko alam kung anong pakiramdam ang mararamdaman ko nung mga oras na yun. Naisip ko tuloy… bakit?… bakit?… BAKIT HINDI NIYO PA PINUNO NG SULAT ITO!!! .
Ang lungkot.
…
Isang beses natawa ako sa kaklase ko ngayong College. Sinulatan niya kasi ang isa sa mga armchair sa school na halos puno na rin naman ng sulat. Hindi ako natawa sa ginawa niya , mas natawa ako sa sinulat niya. Ito yun:
HUWAG KAYONG MAGSUSULAT DITO!
P_t*#g!n@ Niyo!
Ang Saya.
Mag-inang Langaw
October 27, 2008Alam ninyo ba na mayroon pang kwento ang ina ni Rizal bukod sa mga gamu-gamong nasunog sa Ozone Disco? Oo , meron nga. Ito yung tungkol sa Mag-inang Langaw. Hindi mo pa naririnig yun noh. Kasi nga hindi pa naman kasi yun tinuturo sa School. At habang hindi pa tinuturo yun, at hindi naman talaga ituturo yun dahil gawa-gawa ko lang yun, ikukuwento ko na lang .
<sounds fade-in> ♪Heto na… heto na… heto na.. haha… Doobidoo bidoo… bidoo bido…Doobidoo bidoo… bidoo bido♪
Noong unang panahon a long long taym ago. May mag-inang langaw na umaali-aligid sa isang tumpok ng tae. Paikot ikot na lumilipad sa ibabaw niyaon. Animo’y isang ginto na nagliliwanag sa kanilang mga mata ang taeng mainit init pa.
“Mommy, i’m hungry na. Can i eat na that sh*#!” sabi ng batang langaw.
“Saglit lang anak maghintay ka, ilang ikot pa. Lipad pa! Lipad! Alam mo naman na ritwal ang pagikot bago ang pagdapo. di ba?” ang inang langaw.
“Whatever!(with “W” hand sign)” sagot ng batang langaw. (more…)










