Mga Kwentong galing sa KAHON ng isipan ko...

Home » Post Item » Nasaan na ATM ko?

Nasaan na ATM ko?

July 14, 2008

Isang araw…

ay umuulan pala..

Naka-set na ako at ready na para kunin ang ATM ko sa isang di kilalang banko dito sa DasmariƱas.Syempre sumama ang nanay ko , wala na kasing budget eh.Bago nga kami umalis, ang tanghalian lang namin ay instant noodles lang w/ matching kanin na ininit lang ng nanay ko.

Nandun na rin ang plano na magwithdraw pag makukuha ko yung ATM ko.

Kasama ng nanay ko with matching black na payong , pumunta na kami sa banko.Medyo umuulan pa nun ,pagpasok ko,syempre S.O.P chineck yung  bag ko(malay mo nga naman kung may dala akong deadly weapon).

  

 Tapos punta nako sa front desk , ayun bad news wala pa ang ATM ko(sabi kasi isang linggo, malay ko ba na isang taon pala–badtrip!) .

Mga ilang minuto pagkatapos kong malungkot dahil sa balita , ngumiti na ko pwede naman kasi akong magwithdraw.Hayyy… buti na lang. Tapos tinawag ko yung nanay kong naghihintay sa labas, syempre dala nya pa rin ang black na payong.

Ayun nagfill-up ako ng withdrawal slip.Ayun nagpalamig muna kami ng nanay ko sa loob ng bangko.Pang 41 pa kasi yung number  ko,eh nasa 35 pa lang yung tinatawag.

Ayun nilibang ko na lang ang aking sarili sa pagtingin-tingin sa paligid. 

Yung nanay ko naman nilabas yung cellphone nya, kunwari may nagtext wala lang, pindot pindot lang siya(nanay ko talaga …patawa’). Ayun nasita sya nung guard (kasi naman eh…), sabi ng nanay ko “oo nga , baka pagkamalan akong tinitext yung mga holdaper” sabay ngiti.

At tinawag na nga ako,medyo natanga pa ko. Dollar withrawal Slip pa yung nasagutan ko.Halatang first time kung mag-withdraw.Inulit ko, tapos upo daw muna ako sabi nung babae  tatae lang daw sya, umupo muna ako at naghintay. Tapos malalaman mo na joke lang yung huli kong sinabi.

At pagkatapos , ayun nakuha ko rin ang perang inaasam.

Masaya na ko…

Masaya na rin ang nanay ko… ( kita sa mga nagniningning nyang mga mata)…

Kasabay nun, ngumiti din ang black na payong…

tapos…. tapos na’… 

THE END 

 

Posted by kunwaringwriter at 12:38 pm | permalink

Previous Comments

Hehehe! Ayos!

Posted by Mario at July 16, 2008, 9:41 pm

haloo
hakhak
kunwaring reader din akuhhh
hakhak
kunwari lang ba lahat yan??
hakhak amfefe

Posted by madelita at July 22, 2008, 2:07 pm

hay… katwa… akala nga baliw ako d2 sa bahay eh.. kc dw bgla-bgla nlng dw ako tmtwa… ndi nla alm ngba2sa lng ako ng walng kwntang bgay… hahaha…kng alam lng nla(ung tao d2 sa bhay) n masrap bshn 2ng bnbsa ko… (^__^)…

Posted by jm at August 6, 2008, 7:33 pm

ahahha..
dami mu fanz..!
i’m ur no.1 fan ahh..!
ahahaha..

totoo yan nuh..!
mxado lang tlagang
malikhain izip ni Don..^^

Posted by tine at May 26, 2009, 10:25 am

eeEEwWW? haysSShhh…. hehehe!!! un lng!

Posted by secret at January 6, 2010, 6:22 pm

Add a comment