Mga Kwentong galing sa KAHON ng isipan ko...

Home » Post Item » Pudpod na Eraser

Pudpod na Eraser

July 18, 2008


  NO ERASURE! ANY FORM OF ERASURE MEANS WRONG

DangLuFet!!”

<ito ang karaniwang sinasabi ng mga estudyante pag nababasa na ang ganitong statement sa test paper nila.>

 

Meditation has given me the inner strength to do these improbable things“–Furman

Si Ashrita Furman ,53 years old ang nasa likod ng World Largest Pencil na to. Na may bigat na 22,000 pounds at 76 foot long.Isa lang ang masasabi ko sa lapis na to.Astig.

Habang taimtim akong nagtatasa  nung isang gabi , isang pangyayari ang sumalpak sa isip ko. Isang pangyayari nung bata pa ko.Isang musmos na may hawak na lapis.

Napatitig ako sa lapis. Yung lapis naman na tinatasa ko ay napatitig din sa kin, maya maya nabuo ang tanong na to.

Bakit maikli ang buhay ng pambura sa lapis? 

Dahil ba FREE lang yung pambura , o di naman kaya kaylangan lang natin na bawasan ang ating pagkakamali para mapahaba pa natin ang buhay ng pambura. Simple pero malalim.

Ang karaniwang tawag natin sa isang pirasong lapis ay LAPIS. Pero ako, kung iyong tatanungin ang tawag ko sa lapis ay PENCIL. Kung iisipin natin ito ay di lang dapat tawaging lapis, kundi LAPIS at ang tagatakip ng kamalian — ang PAMBURA(wala lang ,bahala na kayo kung seseryusuhin nyu ko ).

Nung ako’y nasa GRADE 1…

Naging past time ko na ang pagngatngat sa pambura ng lapis ko(wala naman akong lahing daga na katulad ng mga politikong ngumangatngat sa kaban ng ating bayan).Lalo na pag pudpod na ang pambura at wala nang silbi yung bakal na nakapalibot dun sa pambura na nagiging dahilan pa ng pagkabutas ng papel.

Ang kalalabasan ng aking lapis ay parang natuping tin can ng COKE .matalas. nakakasugat.

Isang pagkakataon na naging deadly weapon ang lapis ko. Hindi ko na maalala kung san nagsimula, basta ang alam ko sa kalikutan ko ang naging dahilan.Hindi  sinasadyang natusok ko ang tainga (ear in English, isa lang kaya’) ng klasmeyt kong di ko na matandaan ang mukha.

Syempre. Umatungal ng iyak ang sugatan kong klasmeyt, kasabay nun ang pagkalat ng dugo na umabot na sa kanyang kwelyo.

Lahat ng mga klasmeyt ko ay nakatingin sa kanya. Kung hindi man sa isang kriminal na walang alam kundi ang ngumatngat.

Isa lang nasa isip ko nun… –LAGOT!.

Habang nangyayari yun , napatingin ako sa lapis ko na halatang guilty at nasabi ko ang linyang ito“Walang nagawa ang aking pambura, para burain ang aking pagkakasala” 

TANONG: Kung yung lapis ba ni Furman ang binigay ko sa klasmeyt ko titigil kaya sya ng pagiyak??

Posted by kunwaringwriter at 7:31 pm | permalink

Previous Comments

Hi DON!!! MUZTA n??
astig k tlga!!! sana magamit mu talento mu sa bagay na…(alam mu na un).
kakatuwa ka talaga…sana gawan mu rin ako ng kwento hah.. asahan ko yan…hehehehhe! special request to ah, ok lng kung ndi pero mas maganda kung meron (^_^).
ingat palage….

Posted by LeiY at July 20, 2008, 8:18 am

okie dokie yan’. . .

Posted by kunwaringwriter at July 20, 2008, 3:58 pm

hahaha… nka2twa dn…ntwa ako dun sa linya….
“Lahat ng mga klasmeyt ko ay nakatingin sa kanya. Kung hindi man sa isang kriminal na walang alam kundi ang ngumatngat.

Isa lang nasa isip ko nun… –LAGOT!.”

hahaha…yan kc.. ang ahrot…hahaha….kunwari lng…

gs2 ko rn 2..
“Bakit maikli ang buhay ng pambura sa lapis?

Dahil ba FREE lang yung pambura , o di naman kaya kaylangan lang natin na bawasan ang ating pagkakamali para mapahaba pa natin ang buhay ng pambura. Simple pero malalim.”

ang glng m tlga… how AmAZIng…
(^__^)

Posted by jm at August 6, 2008, 8:33 pm

don..!
i-feature mu akuh ahh..
ahahha..
antayin kuh.. awtz..!
^^

Posted by tine at May 26, 2009, 10:48 am

hahah!!! ayos huh? anong brand ng lapis mo? mongol bah? harhar!!!! astig k ah….galingan mo pah……glingan mo pah ang pagsak2 s klzmt mo…hehehe,…nice!!!!!

Posted by secret at January 5, 2010, 8:41 pm

*People are always telling you what to do, but what’s right for them may not be right for you.

Posted by jordan shoes at December 29, 2010, 9:19 am

Add a comment