Mga Kwentong galing sa KAHON ng isipan ko...

Home » Post Item » Robot

Robot

July 22, 2008

” I don’t talk  in English , because I’m a Filipino”Jawo

Hindi ako naniniwala na bobo ang mahina sa English.

Kung naniniwala ka maaring paki press ang <ALT >  + <F4> sa yong keyboard.

Bakit ko nasabi?, mahina kasi ako sa English di pa kasi ganun kaplantsado ang mga words na lumalabas sa kin. Mahina ako sa pronunciation lalo na ang ‘F’ saka ‘P’ napagpapalit ko minsan.Ganun din minsan sa Grammar.Ewan ko ba? pag Communication Arts na namin para bang nabubusalan ang aking bibig, di makapagsalita, at kung magsasalita man limitado lang .

Piling ko tuloy Robot ako na limited lang ang alam na salita.Yung tipong may sasabihin ka parang nagka-Calculate ka pa bago mo sabihin. Nandun na rin yung pressure dahil sa mga kritiko mong klasmeyt na walang alam kundi maghanap ng mali sa sinabi mo. 

Tatawanan ka pag mali yung Grammar mo, o di naman kaya tatawanan ka kahit wala namang nakakatawa.

Naalala ko tuloy yung nagsalita ako nun. Debate yun. Kailangan magsalita ,ORAL QUIZ daw kasi yun. Syempre nagsalita ako , lahat na yata ng  alam kung salitang Ingles , sinabi ko na”Blah, blah..blah, blah blah blah BLAH”. Pagkatapos nun.Ito yung sinabi ng teacher kong British accent.

“Class… Do you understand him?” 

“NO…” sabay-sabay ang mga klasmeyt kong mga anak ni Webster.

Asar! talaga. Ayoko nang magsalita, ‘di lang naman yun ang basehan nang pagiging edukadong tao ha.Eh ano kung mahina ako sa English?.Bobo na ba ako? .

So what? …COCONUT! .

Pero darating ang araw , isama na pati ang buwan na matutunan ko rin at mapaplantsa ang gusot kong  English.  

Posted by kunwaringwriter at 3:57 pm | permalink

Previous Comments

Hi”,

Lahat ng tao ngkkmali there is no perfect in this world as long you love you work and what important is every mistake you’ve a got lesson.

Hello kunwaring writer, but for sure you’re not you’re just do what you want to do in your sense life.

Keep it up dude”,

Posted by chess_khiosky at July 24, 2008, 10:21 am

..oo nga naman don don
huhu medyo ka relate ako dun a,
pero kakamis pa rin si mam ria kahit ganun

Posted by tzozkoleyt_leng at July 28, 2008, 9:50 am

hahaha… isa n nmn n nka2twa… hahaha… tma,tma,tma….
nga nmn, bobo k n b kng ndi k gnun kglng mgenglish?!…

ung mga kaklase m kng tmwa eh kla m kaga2ling sa english… pgsltain m… utalutal dn…

hahaha..
nice 1..(^__^)..

Posted by jm at August 6, 2008, 8:18 pm

Hai. Wow naman. Galing ng construction ng blog entries. Ang wikang Ingles ay ginagamit upang mapadali ang pakikiapg-usap sa mga taong kilalang “Alien” o dayuhan. Ang laman ng utak ay hindi mailalathala sa verbal na pamamaraan. Ito’y matatagpuan sa content ng sinasabi at hindi sa kung ano ang mga salitang lumalabas sa bibig.

Tama.. Ipamalakad ang wikang Filipino at huwag isipin na inferior ang mga taong mahina sa ingles, dahil kung iisipin ang wikang Filipino at Ingles ay parehong wika lamang.

Hha. (Nagpapakamakata lang)

Posted by zZia at August 9, 2008, 11:05 am

Maangas!…………………………………………………………..

Posted by wheng at August 13, 2008, 7:09 pm

nawili tuloy akong magcomment sa blog mo
kung sakaling mabasa mo to, basahin mo na rin yung comment ko sa “langaw”
nga pala, tungkol dito sa blog mo:
dapat maging proud ka dahil mukang plantsado mo na ang ang sariling wika.
nakakatuwa’t marunong kang maglaro ng mga tagalog words. at walang masama dun.
mas maganda nga ang kakayahan mo kesa sa mga kababayan nating pakunwari’y slang o.O
ipagpatuloy ang kalokohan, JdC :D

Posted by aPPz at November 22, 2008, 9:55 am

pahumble epek kpah huh? ahahahahah!!!!
k lng yan…ur not a loser…..whatever!

Posted by secret at January 5, 2010, 8:59 pm

Add a comment