Mga Kwentong galing sa KAHON ng isipan ko...

Home » Archives » August 2008

Boy Palaboy

August 7, 2008

…   

Sa isang kawalan…

<o.o> Psst…

<ikaw>  huh? .(nakatitig pa rin sa monitor at naguguluhan)

<o.o> opo, kayo nga po… kilala mo ba ko?.

<ikaw> ha? hindi… sino ka ba? sikat ka ba? miyembro ka ba ng kuponan ni Taguro?.

<o.o> hindi… Sinong Taguro?.

<ikaw> di mo kilala yun? helerrr , yun lang naman ang pambansang bayani ng mga kabataan ngayon (more…)

Posted by kunwaringwriter at 8:23 pm | permalink | comments[4]

Dalaw

August 5, 2008

Mahirap rin pala ang magkunwari. Yung tipong gusto mong gumana ang mga kamay mo upang magsulat pero wala… walang lumalabas, walang ideya, walang kwenta. Parehas kami ng ballpen ko na nakatunganga , nagpapakiramdaman kung sino ang unang kikilos at gagalaw.

Minsan guguluhin ka pa ng kapatid mong pakialamera.

Kapatid: Ano yang sinusulat mo kuya?

Ako:  Wala…

Kapatid: Ano nga yan?

Ako: Wala … 

Kapatid: Pabasa naman… please3X

Ako: <*Buntong hininga*> 

Pagkatapos nun magliligpit na ko, titigil na ko . Walang mangyayari sa pagkukunwari. Hihintayin ko na lang na dumalaw ang ideya.

Dear IDEYA,

     Dalaw ka naman sa utak ko, kahit minsan lang.  Kahit once a week lang. Libre na ang meryenda magtrabaho ka lang sa kin.

     Nagmamahal,
K.W 
Posted by kunwaringwriter at 3:23 pm | permalink | comments[1]

Kwentong ‘la Kwenta

August 1, 2008

  

             Isang mainit na tanghali ng Sabado, kasalukuyang gumagana ang aming mga daliri sa pagta-type ng context ng Handbook ng STI. Habang abala ang aming guro sa kanyang ginagawa ,isang malakas na pagsabog ang aming narinig. Natigilan sa pagta-type ang aking mga kaklase kahit yung iba’y naglalaro lang ng Games, pati sila natigilan.

 

            “Ano, yun?!” tanong ng isa kong mga kaklase.

           

            Ang mga instructor sa faculty ay nagkagulo at naglabasan, kasama ring nagkagulo ang mga ipis na nagliliparan.Ang aming guro na si mam.Anna(di ko lam kung tama na Anna yung name nya) ay lumabas, ako pati ang aking mga kaklase ay di halatang apektado. Yung iba nagaasaran pa at yung iba kinuha ang pagkakataon na ilabas ang mga cp nila at magtetetetetetetetetext ting’ sa kanilang mga txtm8.

           

            Ako naman ay nakatingin lang sa bintana, nang mayamaya’y may mapansin ako. “A-a-ano……….?” (more…)

Posted by kunwaringwriter at 4:58 pm | permalink | comments[7]