Boy Palaboy
August 7, 2008…
Sa isang kawalan…
<o.o> Psst…
<ikaw> huh? .(nakatitig pa rin sa monitor at naguguluhan)
<o.o> opo, kayo nga po… kilala mo ba ko?.
<ikaw> ha? hindi… sino ka ba? sikat ka ba? miyembro ka ba ng kuponan ni Taguro?.
<o.o> hindi… Sinong Taguro?.
<ikaw> di mo kilala yun? helerrr , yun lang naman ang pambansang bayani ng mga kabataan ngayon.
<o.o> ha? pasensya na po… sana makilala ko sya….
<ikaw> NYAHAHAHAHA!!!!…(tatawa ka ng tatawa, hanggang sa mangawit ang panga)
<o.o> Bakit po?… teka lang po.. kilala mo ba ko?.
<ikaw> Hindi nga , .. kulit mo. Artista ka ba?.
<o.o> sabi nila isa daw ako,at ang mga tulad ko ang mga artista ng lipunang ito, icon nga daw kami… pag wala kami di daw balanse ang mundo”.
<ikaw> Ganun ba? ano ka ba? KAPUSO o KAPAMILYA.
<o.o> PUSO? alam ko meron ako nun tumitibok nga sya ngayon eh, PAMILYA? siguro si Aling Marta yung nagtitinda ng sigarilyo’t kendi at ang mga kaibigan kong member ng RUGBY boyband, sila na ang maituturing kong pamilya.
<ikaw> Who’s Aling Marta and RUGBY boyband? hayy… di ko talaga ‘kaw kilala… sandali nasan ba ko?.
<o.o> Sa kawalan, di mo ba nabasa sa taas.
<ikaw> Sorry … oo nga pala. Ano bang maitutulong ko sa yo para tigilan mo na ko?.
<o.o> Tulong… ang paghingi ng tulong at limos yan ang trabaho ko, bata pa lang ako nung mag OJT ako sa mga sindikato at ngayon professsional na ko.
<ikaw> Sosyal ka! Call Center siguro yun…bonggang bongga.
<o.o> Anong Call Center? Nakakain ba yun? siguro masarap yun.
<ikaw> ha..te..te..teka nga… talagang naguguluhan na ko . Sino ka ba talaga?
<o.o> Ako?.
<ikaw> Malamang, ikaw lang naman ang kausap ko.
<o.o> Baka.. kami..
(tutunog ang isang malungkot na musika ng piano at lilitaw ang karamihan —mga batang katulad niya nagugutom at humihingi ng tulong. At nagtatanong kung kilala mo ba sila.)
<o.o> Kilala mo ba ko?.
(didilim, unti-unting mawawala ang mga bata at babalik ka sa kinauupuan mo na nakatingin sa monitor at mapapaisip sa katapusan )
Tapos.Wakas.The End.
Previous Comments
hahaha… nice…
comedy n nmn…
hahaha
parang hawig sa isang part sa paboritong libro ni hudas. yung kinakausap xa ni god -.-
Posted by akoto. at June 26, 2009, 8:17 amno comment..
Posted by secret at January 5, 2010, 8:54 pm








hinde ba Tarugo yon? wahehe…
Posted by rose at August 15, 2008, 8:38 am