Mga Kwentong galing sa KAHON ng isipan ko...

Home » Archives » September 2008

Sa Daan

September 22, 2008

  

     Nakita kita. Nakita mo rin kaya ako? Naglalakad ka. Naglalakad din ako, kasama ko yung mga kaklase kong may mga hawak na payong.Iba’t ibang kulay nga yun. Napansin mo kaya kami? Gusto sana kitang lapitan, at itanong kung kumusta na sila o parang baliktad ata ako ang gusto mong tanungin kung kumusta na ako… Pero di kita nakausap. ‘Di mo rin ako nakausap. Tatawagin sana kita, pero agad mong nilabas ang cellphone mo at nagpipindot-pindot ka sa keypad nun. Siguro may nagtext sa yo ,o kaya naman magtetext ka  o yun yung akala ko. Nailang tuloy ako.Mabilis lang ang segundo at malayo ka na ng maisipan kong sana pala tinawag kita… Sayang.

Posted by kunwaringwriter at 3:33 pm | permalink | comments[1]

Drawing

September 12, 2008

       Nung bata pa ko, nung mga panahong wala pa akong alam, nung mga panahong bobo pa ko sa mga bagay na nasa paligid ko, nung mga panahong di ko pa naiisip ang mga bagay na ito. ‘Yun yung panahong di ko nakita ang sarili ko sa pagsusulat sa parehong paraan na ‘di nakita ng pagsusulat sa akin— ang pagiging  MANUNULAT.

 Kahit na minsan lumalabas ang CHAKRA ng pagiging writer ko, mas nangingibabaw pa rin ang AURA ng pagiging artist ko.

Drawing… drawing… drawing…

Masarap magdrawing kahit di ko alam kung anong lasa ng pakiramdam na yun. Yung pakiramdam na nakabubuo ako ng mga hugis na nagkokorteng alien , ng mga hugis na di ma explain ng mga scientist, ng mga hugis na magmumukhang Mona Lisa sa king mga mata, ng mga hugis na papalakpakan ng mga ipis at daga. Ang sarap talagang magdrawing. (more…)

Posted by kunwaringwriter at 4:29 pm | permalink | comments[5]