Mga Kwentong galing sa KAHON ng isipan ko...

Home » Post Item » Drawing

Drawing

September 12, 2008

       Nung bata pa ko, nung mga panahong wala pa akong alam, nung mga panahong bobo pa ko sa mga bagay na nasa paligid ko, nung mga panahong di ko pa naiisip ang mga bagay na ito. ‘Yun yung panahong di ko nakita ang sarili ko sa pagsusulat sa parehong paraan na ‘di nakita ng pagsusulat sa akin— ang pagiging  MANUNULAT.

 Kahit na minsan lumalabas ang CHAKRA ng pagiging writer ko, mas nangingibabaw pa rin ang AURA ng pagiging artist ko.

Drawing… drawing… drawing…

Masarap magdrawing kahit di ko alam kung anong lasa ng pakiramdam na yun. Yung pakiramdam na nakabubuo ako ng mga hugis na nagkokorteng alien , ng mga hugis na di ma explain ng mga scientist, ng mga hugis na magmumukhang Mona Lisa sa king mga mata, ng mga hugis na papalakpakan ng mga ipis at daga. Ang sarap talagang magdrawing.

     6 na taong gulang ako nung simulang ibigin ko ang pagdo-drawing. Makikita mo ‘to sa mga pahina ng aking notebook, papel, armchair sa school at sa dingding namin sa bahay. Minsan nga pati katawan ko dinodrowingan ko na, isama mo na pati ang nananahimik na paa ng aking nanay. 

Napuno man ng drawing ang aming bahay nandun pa rin yung pangarap; pangarap ng isang batang may talento ang kamay.

Anong gusto mo maging paglaki? ”

gusto kong maging PINTOR!” yan ang pagmamalaki kong sagot .Yung mala Da Vinci , Luna,Picasso, Van Gogh at Joven(class artist namin nung hayskul). Ganun ang gusto ko. Pero kinain ko rin ang ambisyong yan, naisip ko… kung magpipintura lang ako ng bahay at mamamatay na may pintura sa kamay  —- Wag na lang!.

GRADE 2

  • Palakpak tainga ako sa mga papuri ni Mam. Maceda , natuwa kasi sya sa drawing ko. Kaya naman pagkatapos nun, naging next project ko ang mai-post ang obra ko sa Art Corner namin, at mai-post sa National Museum. Bukod sa huli natupad naman yun. Natutuwa ako na kahit matanda na si Mam. Maceda di pa malabo ang kanyang mata.Sabay ngiti.

GRADE 4,5,6

  • Nakalikha ako ng home-made komiks na nabili naman ng aking mga kaklaseng bilib sa akin.

HighSchool

  • Nagbalak akong sumali sa Slogan Making sa School . Pero hanggang balak na lang ako at ‘di na rin natuloy sa kadahilanang kulang ako sa kumpiyansa.

College

  •  Minsan ko na lang nagagawa ang mga bagay na yun. Minsan na lang. 
Posted by kunwaringwriter at 4:29 pm | permalink

Previous Comments

wahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahah……!!!!!! hindi xa n nka2tawa…hmp? aus!!!!

Posted by secret at January 6, 2010, 6:27 pm

Hala wala po ba kayong naka drawing na nanay kasi kailangan ko po eh!!!!

Posted by kyla at August 23, 2010, 7:35 pm

@kyla- Hala! Wala po eh.. hehe.. picture ng nanay ko gusto mo.. hehe!

Posted by kunwaringwriter at August 23, 2010, 8:37 pm

Thanks for taking this opportunity to discuss this, I feel fervently about this and I like learning about this subject.

Posted by Coach Canada at April 25, 2011, 3:25 pm

hahaha!!!don adik ka!!lakas ng tawa ko ng mabasa q ..pati si joven tlga idolo???sulat k n ulet…namiss naman kitang makasabay umuwi

Posted by jocelyn at October 5, 2011, 2:46 pm

Add a comment