Mag-inang Langaw
October 27, 2008Alam ninyo ba na mayroon pang kwento ang ina ni Rizal bukod sa mga gamu-gamong nasunog sa Ozone Disco? Oo , meron nga. Ito yung tungkol sa Mag-inang Langaw. Hindi mo pa naririnig yun noh. Kasi nga hindi pa naman kasi yun tinuturo sa School. At habang hindi pa tinuturo yun, at hindi naman talaga ituturo yun dahil gawa-gawa ko lang yun, ikukuwento ko na lang .
<sounds fade-in> ♪Heto na… heto na… heto na.. haha… Doobidoo bidoo… bidoo bido…Doobidoo bidoo… bidoo bido♪
Noong unang panahon a long long taym ago. May mag-inang langaw na umaali-aligid sa isang tumpok ng tae. Paikot ikot na lumilipad sa ibabaw niyaon. Animo’y isang ginto na nagliliwanag sa kanilang mga mata ang taeng mainit init pa.
“Mommy, i’m hungry na. Can i eat na that sh*#!” sabi ng batang langaw.
“Saglit lang anak maghintay ka, ilang ikot pa. Lipad pa! Lipad! Alam mo naman na ritwal ang pagikot bago ang pagdapo. di ba?” ang inang langaw.
“Whatever!(with “W” hand sign)” sagot ng batang langaw.
At pagkatapos ng ilang ikot. Tumigil na rin ang mag-ina.
“Yehey!. Kainan na…” tuwang tuwa ang batang langaw at takam na takam.
“Oopps! teka muna..” ang inang langaw
“Ano na naman yun?, Inang langaw” nabugnot na batang langaw.
“Safety first! anak.” inilabas ang hand sanitizer.
At pagkatapos (ulit) maglagay ng hand sanitizer. kaagad na dumapo ang batang langaw at nilantakan na parang ice cream ang pagkaing inaasam.
“Anak, hinay hinay lang baka di ka na makalipad niyan..” bilin ng inang langaw sa anak.
“Don’t wori ! inay”sagot ng batang langaw.
Maya maya’y biglang dumilim. At katulad ng mga kwentong kapag dumilim may masamang mangyayari ganun rin yata ang mangyayari sa mag-ina.
Napatingala ang inang langaw sa taas. At tumunog ang nakakakilabot na tunog ng Orchestra. at unti unting bumukas ang lagusan sa taas at lumiwanag pababa sa mag-ina. Isang Spotlight?. Gaya ng mga alien sa pelikulang may ganung set-up ng layt epeks.
Nung mga oras na yun kain pa rin ng kain ang masibang batang langaw.
“ANAKK!! UMALIS NA TAYO!!” nagpapanic na sigaw ng inang langaw habang paikot-ikot na lumilipad.
At kumilos ang batang langaw ngunit…
“Inay! Di ako makalipad ang bigat ng tiyan ko.” nangingiyak na sabi ng batang langaw.
Pilit na tatangkaing lumipad, pero wa epeks ang effort ng batang langaw.
At gaya ng mga eksena sa inidoro, ganun bumagsak mula sa itaas ng nakakadiring bagay sa batang langaw, na nagpabilis sa dalian niyang pagpanaw. Walang nagawa ang inang langaw kundi ang umiyak sa sinapit ng kawawang anak.
Teodora Alonzo: At yan ang kwento ng Mag-inang langaw ngayon , bukas at magpakaylanman.
Jose Rizal: Ang chaka naman ng ending, ina.
Teodora Alonzo: Bruhong ‘to, kinuwentuhan na nagrereklamo pa… Hala sige, matulog na .. Walang dota bukas ha, walang malling… grounded ka ngayon..
Jose Rizal : Whatever! You’re such a loser! (with hand sign) .
Previous Comments
buti at may panahon kang gumawa ng mga ganito
gawain ko rin to noon, kaso tinamad ako…haha..la lang..share ko lang.
nakikita ko kase ang sarili ko sayo. medyo pareha tayo ng kalokohan sa pagsulat.
ipagpatuloy lang ang kalokohan JdC
cute story.. wahaaha
“Mommy, i’m hungry na. Can i eat na that sh*#!” sabi ng batang langaw.
cool.
parang ang spoiled brat lang ah..haha
galeeng..
Kewl. Kakatwa ang mga pinag-susulat mo sa blog mo.
Makaka-asang ilalagay kita sa burner ko.
(feed burner kuno)
parang ayaw ko mag dinner ngaun
Posted by morena at August 28, 2009, 7:41 pmakalain mong pati langaw eh nagawan mo ng kwento…
Posted by clutch at November 12, 2009, 12:43 amaizt….nka2tawa xa but im expecting sum more….prang mydo kulang s epek..hehe…pero ok nmn…ms galingan mo p po s su2nod…go..go..go…!!! you hav the guts!
Posted by secret at January 5, 2010, 8:18 pm










Kuya ang galing mo naman… Pakunwari ka pa po… Hehehe pwede po makahinge ng copy neto??? nakakatuwa eh
Posted by blueberry at October 30, 2008, 3:39 pm