BAWAL MAGSULAT DITO!
November 4, 2008Maraming Pilipino ang masasabing literado. Literado ka! Literado ka!. Pero ,the question is… marami rin ba sa pinoy na literado ang masasabing Edukado?. May taas kamay at taas paa na magsasabi “Oo!” ; May iba naman na magsasabi ng “HINDI noh!”; at may iba ring sasabihing “ewan, pakilam ko!”.Iba’t ibang tao. Iba’t ibang opinyon. Pero labas muna tayo sa usapang yan, pasok muna tayo sa C.R. Oo, sa C.R nga.

Photo by: joankatherine <flickr.com>
Minsan, umihi ako sa isang kilalang Mall. Syempre sa C.R ng Mall. Sa Boys C.R. Habang ginagawa ko ang natural na ginagawa ng mga taong pumapasok sa C.R. May napansin ako sa dingding ng cubicle na kinaroroonan ko, nakasulat ang ganito: HI! I’M A GURL, NID TXTM8. TXT ME . 09##-#######. BOYS ONLY!!.
Huh!? Paano may nakapasok na babae dito?.
At bukod dun marami pang sulat ang magpapapansin sa ‘yo na kumakaway at nagsasabi “Hi! pansinin mo ko!” . May naghahanap ng txtmate, classmate, s*xmate, housemate at panghalo sa kape Coffee Mate. May mga mensahe din para sa mga minamahal . Mga panawagan sa mga taong nawawala at itim na tuta.Maraming sulat.Aakalain mo tuloy phase out na ang papel sa mundo na dapat sulatan ng mga kalokohang ito. Hindi ko alam kung anong pakiramdam ang mararamdaman ko nung mga oras na yun. Naisip ko tuloy… bakit?… bakit?… BAKIT HINDI NIYO PA PINUNO NG SULAT ITO!!! .
Ang lungkot.
…
Isang beses natawa ako sa kaklase ko ngayong College. Sinulatan niya kasi ang isa sa mga armchair sa school na halos puno na rin naman ng sulat. Hindi ako natawa sa ginawa niya , mas natawa ako sa sinulat niya. Ito yun:
HUWAG KAYONG MAGSUSULAT DITO!
P_t*#g!n@ Niyo!
Ang Saya.









