The Writer is IN
January 18, 2009Hindi ko alam kung paano simulan ang entry na ‘to. Iniisip ko kung gagawin ko na naman ang paghingi ng pasensya sa ‘di ko pagsusulat. Wala akong sakit. May pagkakataon lang talaga na mahirap isingit ang ibang nais mong gawin sa pila ng oras mo. Nakakaasar nga kasi sinimulan ko ‘to tapos ‘di ko naman pala kayang ituloy ng ituloy. Ganun pala ‘no? kahit na nagkukunwari ka, nagiging makatotohanan na para sa kin na merong mga naghihintay para sa king pagbabalik(hindi sa showbiz). Nakakatuwa lang isipin na NKKSLt na pala ako hindi lang NKKBS . Pero sa sandaling ito, tumutulo na ang luha ko. Totoo walang halong kakornihan. Sa dahilang ang sakit pala sa mata ng radiation ng computer. Napakatindi. Mukha na kong adik sa pula ng mata ko. Kulang na lang ng props na shabu.
Bale kung updates lang naman sa buhay ko ang gusto niyong malaman kahit mukhang ayaw niyo naman talagang malaman sasabihin ko pa rin para lang sa kaligayahang di niyo naman mararamdaman . Sa akin na lang kung ano yun, maiyak pa kayo tapos isulat niyo ‘tong kwento ko sa Wish ko lang . Ayoko namang ma-feature sa ganong show. Yung mukha akong kakaawaan ng buong kalawakan tapos bibigyan ng sangkatutak na supresa para matupad lang ang hangarin ng show nila. Wag naman (pero sa Showbiz Central , baka pwede pa…).
Bale ito yung mga updates:
- Nag oojt na ko, Sa kumpanyang may mga empleyadong batikan sa larangan ng pagiging seryoso. Mga empleyadong puro kaberdehan ang lumalabas sa bunganga, galumot sa berde. Hindi man lang nila naisip na may batang nakakarinig sa mga usapan nila, kahit sino pwede silang i-rate ng Rated-18 sa mga pinagsasabi nila. Akala niyo, bata pa ko(kahit hindi halata). Mga bastusin kayo ah! .Kung saang kumpanya? tanong niyo sa mga sinaunang tao sa Pilipinas.
- Matagal na pala akong hindi nagtatrabaho mga 48 years na ang nakakaraan kaya sa mga nagtatanong kung paano ibadyet ang sweldo ang sagot ay: EH DI BADYETIN!! . simple.
- Nagpagupit na ko ng buhok kanina lang. Eto mukha na ulit akong tao. Salamat sa barberong seryoso sa kanyang career. Sabi ko sa kanya “Keep up the goodwork” sabay tapik sa kanyang balikat sa matagumpay na operasyon. Alalahaning kunwari lang ang huli kong sinabi.
- Pumuputi na ko. Tumatalab na ang clorox sa mukha.
- Bago na ulit ang alulod namin sa bahay. Pero luma pa rin ang mga nakatira.
- May malubhang sakit yung kapitbahay naming mahilig magpausok pag nagsasampay kami. Kaaway ng nanay kong kamaganak ni Darna.Hindi ko alam kung dahil sa kalalanghap niya ng usok o sa pagsinghot niya nakuha niya ang sakit na pupuksa sa kanya. Wish ko mabigyan pa siya ng pagkakataong magbago. Akala ko nga tigok na nung isang gabi, akala ko lang pala.
- Bale… wala na rin pala akong maisip na update.
- The End.










tol, salamat sa pagbisita mo sa blog ko bibisitahin ko din palagi itong site mo, andaming magandang mababasa!
nga pala iniimbitahan kita sa filipinowriter.com pwedeng pwede ka mag post ng mga gawa mo dun may healthy community ng mga writers dun amateur at proffesional i’m sure magugustuhan mo dun.
Posted by Rom at February 14, 2009, 1:01 am