Mga Kwentong galing sa KAHON ng isipan ko...

Home » Archives » March 2009

Ang Awit ni Ely, at ang Kaso ni P.P

March 31, 2009


Puwede bang itigil mo na
Ang pag-ikot ng mundo…

Magandang Araw mga bata! Nakikita ninyo ngayon ang sikat na drawing ni Juan — Ang  Spolarium.  Na ang ibig sabihin sa tagalog ay : Hilahin mo ko Kuya sa Dilim.Na ginawa ring pelikula na hindi bumenta ‘nung dekada 80. Ok! At ngayon naman lumayo muna tayo sa kalokohan at  dumako naman tayo sa pagaaral ng awit ni Ely na pinamagatan ding Spolarium.

Matagal ko nang kinakanta ito pero nito ko lang nalaman ang ibig sabihin ng kantang inakala ko ay kanta ng lasenggo, Ang Spolarium. Sa mga hindi alam ang pinagsasabi ko at napapakamot ng ulo, aba!, search mo kaya kay Yahoo o kaya i Google mo ng magkaintindihan tayo.

Sabi ng iba hango daw ito nung nagfieldtrip daw ang E-Heads sa pangunguna ni Ely Buendia sa National Museum at ng makita ang Higanteng drawing ni Juan namangha daw ang apat. At ‘yon ganun ganun daw nalikha ang kanta. (more…)

Posted by kunwaringwriter at 7:44 pm | permalink | comments[4]

Kunwaring Graduation

March 30, 2009

A graduation ceremony is an event where the commencement speaker tells thousands of students dressed in identical caps and gowns that ‘individuality’ is the key to success.
-Robert Orben

     Graduation. Ang Pagtatapos. Nakikita ko na ang eksena. Nakangiti ang aking mga magulang habang slow motion akong naglalakad paakyat sa stage. This is it. Tumutunog ang tunog latang opera sa lumang Cd ng iisang soundtrack ng mga Graduation. Dahan-dahang naglalakad, dinadamdam ang bawat hakbang. May kabagalan dapat, kasi minsan lang ang ganitong pagkakataon na magsusuot ako ng pormal na kasuotan. Malay ko ba kung last day ko na’yun at least diretso na.

Ayan na, nakaapak na ko sa Stage. Ayan na nakangiti na rin ang matandang magaabot ng kunwaring diploma. Ayan na, nakuha na ng klasmeyt kong nauna ang papel na pambalot sa tinapa. Ayan na, tapos na ang moment nya ngumiti siya kinamayan ang mga taong bumubuo sa programa. Ayan na, ako na tatawagin na ang pangalan kong pangmayaman. Ayan na, ibubuka na ng emcee bibig niya at bibigkasin naang pangalan ko “Aaahhh”.

“Espiritu Diana…”

“Huh?!”

“….” (more…)

Posted by kunwaringwriter at 12:26 pm | permalink | comments[5]