Kunwaring Graduation
March 30, 2009A graduation ceremony is an event where the commencement speaker tells thousands of students dressed in identical caps and gowns that ‘individuality’ is the key to success.
-Robert Orben
Graduation. Ang Pagtatapos. Nakikita ko na ang eksena. Nakangiti ang aking mga magulang habang slow motion akong naglalakad paakyat sa stage. This is it. Tumutunog ang tunog latang opera sa lumang Cd ng iisang soundtrack ng mga Graduation. Dahan-dahang naglalakad, dinadamdam ang bawat hakbang. May kabagalan dapat, kasi minsan lang ang ganitong pagkakataon na magsusuot ako ng pormal na kasuotan. Malay ko ba kung last day ko na’yun at least diretso na.
Ayan na, nakaapak na ko sa Stage. Ayan na nakangiti na rin ang matandang magaabot ng kunwaring diploma. Ayan na, nakuha na ng klasmeyt kong nauna ang papel na pambalot sa tinapa. Ayan na, tapos na ang moment nya ngumiti siya kinamayan ang mga taong bumubuo sa programa. Ayan na, ako na tatawagin na ang pangalan kong pangmayaman. Ayan na, ibubuka na ng emcee bibig niya at bibigkasin na ang pangalan ko “Aaahhh”.
“Espiritu Diana…”
“Huh?!”
“….” (more…)








