Mga Kwentong galing sa KAHON ng isipan ko...

Home » Post Item » Kunwaring Graduation

Kunwaring Graduation

March 30, 2009

A graduation ceremony is an event where the commencement speaker tells thousands of students dressed in identical caps and gowns that ‘individuality’ is the key to success.
-Robert Orben

     Graduation. Ang Pagtatapos. Nakikita ko na ang eksena. Nakangiti ang aking mga magulang habang slow motion akong naglalakad paakyat sa stage. This is it. Tumutunog ang tunog latang opera sa lumang Cd ng iisang soundtrack ng mga Graduation. Dahan-dahang naglalakad, dinadamdam ang bawat hakbang. May kabagalan dapat, kasi minsan lang ang ganitong pagkakataon na magsusuot ako ng pormal na kasuotan. Malay ko ba kung last day ko na’yun at least diretso na.

Ayan na, nakaapak na ko sa Stage. Ayan na nakangiti na rin ang matandang magaabot ng kunwaring diploma. Ayan na, nakuha na ng klasmeyt kong nauna ang papel na pambalot sa tinapa. Ayan na, tapos na ang moment nya ngumiti siya kinamayan ang mga taong bumubuo sa programa. Ayan na, ako na tatawagin na ang pangalan kong pangmayaman. Ayan na, ibubuka na ng emcee bibig niya at bibigkasin na ang pangalan ko “Aaahhh”.

“Espiritu Diana…”

“Huh?!”

“….”

Ay hindi pa pala ako, ano ba yan nakakatense naman. Mukha na kong tanga, teka napansin kong mukha pala akong Wizard, wow! Harry Potter ang dating ko kulang na lang wand at Walistingting Metro Aid na ang dating ko. Bakit nga ba itim ang kulay ng toga ng mga College na Gagraduate? Siguro, para maiba naman. Kasi ilang pagkakataon ka na ring nagmukhang bibinyagan, kaya ngayon kaylangan magmukha ka namang iaalay sa bulkan.

Ayan na ako na talaga. Imagination lang ‘to pero kinakabahan pa rin ako. Ayan na ako na. Napatingin ako sa mga teacher ko, naiiyak sila  teary eyed kumbaga. Ako rin lumalabo na ang mata , di ko namalayan tumutulo na pala ang mga luha ko. Lang’ya kayo pinahirapan niyo ko tapos iiyak iyak kayo diyan, magsitigil nga kayo!. Ngayon bumalik ulit ang tingin ko sa matandang magaabot ng binilot na bond paper.

At nakuha na ng klasmeyt ko ang pinapangarap niyang papel, nagniningning ang kanyang mga mata na lumingon sa mga audience. Parang nasa Amercan Idol lang, kakaway kaway. Oo na ate, ako na umalis ka na diyan.  At ako na nga ,Ibubuka na ng emcee ang bibig niya at bibigkasin na ang pangalan kong pampamayaman ayan na : “Aaaa…”

“FUMAR, DON MIKEEEELLLLLL!!!!!!!”

Aba! sumigaw na ang Emcee.

“Present, Mam” sabi ko.

 Nagtayuan ang mga tao parang umawit lang si Charise Pempengco, nagpalakpakan at sinisigaw ang pangalan ko. “Yahoo!” sigaw ng utak ko pero ‘di dinig. Nakita kong hinimatay ang nanay ko pero alam kong drama niya lang ‘yon.

At yan ang kwento ng pagtatapos na aking pinapangarap. At sa darating na April 17 taong kasalukuyan magkita-kita po tayo sa Orchard . At i-celebrate po natin ang graduation ng mapagkunwaring mag-aaral…

I, thank you. bow.

Posted by kunwaringwriter at 12:26 pm | permalink

Previous Comments

ano nnman ang nkain mo at mkapagsulat knnman??

pramdm ka naman smin…

jejeje

Posted by esiarp at March 30, 2009, 4:46 pm

hehehe… wala lang

Posted by kunwaringwriter at April 1, 2009, 2:27 pm

nice one..!

galing tlaga Don..!

ahahaha..

my future kah..!

CONGRATZ PUH..!

mmimiz ku kulitan portion ng sec. ntin..

pti ung fud3p za maalamat na hauz nla nitchie..

ahaha..

^^

Posted by tine at May 26, 2009, 9:54 am

anong school ka ba Don? nakakaintriga kasing mga banat mo sa blog mo eh..

Sana nagblog na ako nung college days ko..sayang talaga..

Posted by clutch at November 12, 2009, 12:39 am

To Clutch: School ba? sa STI … wala naman yan sa school… nasa tao yan… yung mga nababasa mo dito produkto lang yan ng pagpapalipas ng gutom…

Posted by kunwaringwriter at November 14, 2009, 1:37 pm

nagustuhan ko naman!!

maganda!!

Posted by juan at March 1, 2011, 1:14 am

Add a comment