Ang Awit ni Ely, at ang Kaso ni P.P
March 31, 2009
Puwede bang itigil mo na
Ang pag-ikot ng mundo…

Magandang Araw mga bata! Nakikita ninyo ngayon ang sikat na drawing ni Juan — Ang Spolarium. Na ang ibig sabihin sa tagalog ay : Hilahin mo ko Kuya sa Dilim.Na ginawa ring pelikula na hindi bumenta ‘nung dekada 80. Ok! At ngayon naman lumayo muna tayo sa kalokohan at dumako naman tayo sa pagaaral ng awit ni Ely na pinamagatan ding Spolarium.
…
Matagal ko nang kinakanta ito pero nito ko lang nalaman ang ibig sabihin ng kantang inakala ko ay kanta ng lasenggo, Ang Spolarium. Sa mga hindi alam ang pinagsasabi ko at napapakamot ng ulo, aba!, search mo kaya kay Yahoo o kaya i Google mo ng magkaintindihan tayo.
Sabi ng iba hango daw ito nung nagfieldtrip daw ang E-Heads sa pangunguna ni Ely Buendia sa National Museum at ng makita ang Higanteng drawing ni Juan namangha daw ang apat. At ‘yon ganun ganun daw nalikha ang kanta.
Ayon sa propesor ng University of the Philippines ito daw ay ginawa daw ni Ely para kay P.P (Pepsi Paloma). Si Pepsi Paloma ay ang pangunahing tauhan ng awit ni Ely, hindi man nabanggit ang pangalan niya dito ay isinisigaw naman ng bawat linya ng awit ang isang pangyayaring konektado sa kaso ng boldstar ng dekada 80 na si P.P.
Dumidilim ang paligid
May tumawag sa pangalan ko
Labing isang palapag
Tinanong kung okey lang ako
Sabay abot ng baso
May naghihintay
At bakit ba’pag nagsawa na ako
Bigla na lang ayoko na
Detalyado at malikhain ang pagkakatahi-tahi ng pangyayari ng awitin. Malalim nga daw sabi ng iba ang awit ni Ely. Kaya lang naman parang malalim ito sa iba kasi nga hindi ito naiintindihan ng karamihan. Lumusong ka kaya ng malaman mo ang lalim ng inaakala mo, at sa pag ahon mo sana alam mo na ang buong kwento.
Lumiwanag ang buwan
San Juan Di ko na nasasakyan
Ang lahat ng bagay ay
Gumuguhit na lang Sa ‘king lalamunan
Ewan mo at ewan natin
Sinong may pakana?
At bakit ba Tumilapon ang
Gintong alak diyan sa paligid mo?
Oo, siguro. Sa San Juan nga yata naganap ang panghahalay. Hindi ko alam kung paanong nalaman ni Ely ang lahat ng ito. Huwag ninyong isiping kasama si Ely sa laro, masyado ng malalim ang nararating mo at malayo ka na sa sirko. At syempre nilasing ang biktima, ganun lang naman ‘yon eh.Pero ganun talaga siguro pakiramdam siguro ng biktima simpleng inuman lang at safe naman siya sa mga kasama niya,o yun yung akala niya.
Umiyak ang umaga (hmm)
Anong sinulat ni Enteng at Joey diyan
Sa gintong salamin Di ko na mabasa
Pagkat merong nagbura
Ayan na. Iyak tawa tuloy si biktima. At sinulat rin ni Ely ang suspek sa larong nagpaburot sa kawawang biktima. Siguro naman ‘di na kailangan ng clue. Nabalita na ito ’nung panahong ‘di pa ‘ko humihinga at ayon daw kay P.P si Otit daw ang nagsabing iurong daw ang kaso sa dalawang inakusahan.
Sa bandang huli hindi rin nakamit ni P.P ang hustisya. Ewan, basta napabalita na lang na nagpakamatay “daw” siya. Suicide. Walang may alam kung ano talaga ang tunay na nangyari, hindi ko rin alam kung paniniwalaan ko itong aking pinagsasabi. Ang punto lang dito maging si Ely ay may pinaniniwalaan na idinaan niya na lang sa pagkanta ng mga binuong salita, at pagkapa sa gitara.
Matagal ng tapos ang kaso, pero nagtataka ako bakit kaya hindi ito ipini-feature sa Case Unclosed? di ko alam, basta walang nakakaalam. Kung meron man, ito ‘yung mga taong ayaw ng hukayin ang nakaraan at hinayaan na lang siguro na mabulok ang kaso kasabay ng nabubulok na sistema ng gobyerno.
At ngayon di pa rin alam
Kung bat’ tayo nandito
Puwede bang itigil muna
Ang pag-ikot ng mundo…
Note: Ang mga sinulat ng nagkukunwaring writer ay pawang may pinanggalingan at at hindi nagmula sa sarili lamang. Sinulat niya ‘to dahil mismo siya hindi niya alam kung ano ang katotohanan dito.Pwedeng sisihin ang propesor o sinomang taong buhay ’nung panahon ng isyu kung tunay na nagkakamali sila.
* Wait, tatlo nga pala daw ang suspek, kabayo daw ang pangatlo.
<Case Unclosed theme>
Previous Comments
Waaah! Oh my Ely!
Oh my Eheads!
Yun pala yun!
Salamat sa info!
naman!
Nadagdagan na naman utak ko about sa Eheads!
Hindi naman kasi walang kwenta o wlaang sense ang kanta ng eheads.
hindi lang kasi madig ng iba kaya kung anu-ano sinasabi nila!
apir!
ok to.
Posted by king ni ann at November 13, 2009, 12:32 amkung mai magagawa lng ako, bubuksan ko uli ang kaso, ASAN ANG PAMILYA NI P.P. ?????
Posted by marco at March 15, 2010, 12:58 pm@ marco -hindi ko na alam, limitado lang ang impormasyon ang nasa utak ko. pero maraming salamat sa komento matagal na nga ring di ko nabibisita ang lugar na to, minsan nakakatuwang balikan ang produkto ng kakulitan ng isip ko…
Posted by kunwaringwriter at March 15, 2010, 2:57 pmhindi naman ganun kalalim ang kantang ito.
this is song is about alcoholism accdg. to ely on one interview on sticker happy album review.
ung kay p.p. nagkataon lang po yun.tsaka walang babaeng sinasabi sa kanta na ginahasa or what.tungkol to sa lalaki na lasingero.ang pagikot ng mundo kc umiikot ang mundo pag lasing kana.
ganto lyrics ni ely magulo.pero di naman kalaliman masyado. peace>>>
Sonriendo ante la vida, usted se sentirĂ¡ mundo realmente buena!
Posted by cheap lv bags at December 13, 2010, 3:51 pmThanks for the sharing of those article! That will be helpful.*
Posted by coach bags at December 16, 2010, 9:11 amThere is a margin, let go after a landscape has a heart, insisted the Chinese side is sincere.
Posted by coach stores at December 20, 2010, 10:02 amThanks for the sharing of those article
Posted by Forum culture at December 25, 2010, 4:15 pm*People are always telling you what to do, but what’s right for them may not be right for you.
Posted by Replica Christian Louboutin Heels at December 26, 2010, 9:36 amGet the information your current piece of writing. The following content needs everyone really surely after which as a result of a individual, We discovered newest factors. That it was worth it to read
Posted by Buy A Dissertation at February 8, 2011, 6:04 pmngaun ko lang nalaman to ah!!
thanks sa info.!
Posted by juan at March 1, 2011, 1:22 amThanks for taking this opportunity to discuss this, I feel fervently about this and I like learning about this subject.
Posted by Coach Factory Outlet Online at June 29, 2011, 6:18 pm








Ah.
Posted by Otakore Literantadodist at April 1, 2009, 7:55 pm