Mga Kwentong galing sa KAHON ng isipan ko...

Home » Archives » August 2010

KOL Center Part II (Sa Likod ng Boses)

August 28, 2010

Pagkatapos ng paulit-ulit na pagkabigo at failures sa mga interviews at exams, sa kabutihang palad natanggap din ako. Isa na akong Call Center Agent. “Yahoo!” sigaw ng utak ko nung oras na pinipirmahan ko na ang kontrata, Salamat sa Teleperformance na nagbago ng paniniwala ko na ang call center ay hindi lang  para sa mga may insomnia at bampira kundi para rin sa mga taong naniniwala sa himala. 

(Ang liit ng font. hihi! )

     Sa totoo, kapos ang bansang ito sa mga trabaho at pasweldo. Kaya kahit ano pa ang tinapos mo, sa kol center din ang bagsak mo. Yun ang trabahong uhaw sa tao o manpower, kaya kalimitan makikita mo sila sa Classified Ads sa dyaryo naghahanap ng mga pilipinong tunog amerikano. Marami akong kaibigan at katrabaho na tapos ng nursing  at di lang basta tapos … “REGISTERED” nurse sila. Nakakalungkot na dito rin sila babagsak, pero ganun talaga yata mas pipillin ng mga pilipino ang madaling kaginhawaan kaysa sa trabahong mailap makita sa mga pahayagan. Saka na lang magsisihan.

“Hiyang ka ah” sabi ng isang kaibigan ng aksidenteng magkita sa isang mall. Tumaba daw ako. Medyo lang naman. Hindi kasi maganda ang pamumuhay sa kol center. Karamihan ng oras mo ay nakaupo o hindi naman ay nakaupo at kumakain. Kaya ang paglalakad kahit minsan ay mabuti sa katawan. (more…)

Posted by kunwaringwriter at 6:42 am | permalink | comments[15]

Farmer si Nanay

<Tahimik ba? subukan mo i-click to para masaya…>

Nang palitan sa trono ni FACEBOOK si FRIENDSTER nung nakaraang taon bilang pangunahing social network nating mga pinoy, kasama sa mga bitbit ni FACEBOOK ang mga larong may halong isang pakete ng shabu. Oo, nakakaadik. Kahit ako na brick game lang ang alam na laro at hindi naman talaga mahilig maglaro ay naadik sa mga larong hatid ng ating paboritong pusher na si FACEBOOK. At isa sa mga kilalang tinda nito ay ang —- FARMVILLE.

Farmville - isang laro na tuturuan kang magtanim ng nakaupo. Wala kang gagawin kundi paganahin ang iyong daliri sa pag-click. click. click.  No need to sing bahay kubo dahil may sariling tunog ito at totoong tunog ng hayop ang maririnig mo sa iyong mga alaga.”Meeeh Meehh” sabi ng kambing. “Mooo Mooo” sabi ng baka. “Oink Oink” sabi ng baboy. “………….“sabi ng bato. At ang farmville lang ang magbibigay sa yo ng kaligayahan na para sa isang adik di nakakabato.

Ngayon hindi na ko naglalaro nun. Naalala ko kasi sabi ng nanay ko “Anak, sinasayang mo lang ang oras mo dyan… di ka yayaman diyan.” Sinunod ko ang nanay ko at nagbagong buhay dahil siguro masunurin ako at alam kong alam ng ina ang makakabuti sa isang anak. Kaya tinigil ko ang masamang bisyo. 

Nito lang nakita kong nagkalat ang isang listahan . Nagtaka ako. Hindi ito shopping lists. At twing madaling araw isang pamilyar na tunog ang aking naririnig at mga nakakatakot na alulong ng halimaw.

  • Harness
  • Horse shoe
  • wooden board
  • Brick
  • Blanket
  • nail
  • 2 shovels
  • bottle

At nalaman ko rin ang katotohanan. Ang aking nanay huling huli sa akto— naghaharvest. Naglalaro ng Farmville. Napangiti ako. Nanay ko talaga …patawa.

Posted by kunwaringwriter at 6:00 am | permalink | comments[3]

UltraElectroMagnetic Blah Blah’

August 21, 2010

Illustration: Taga-Ilog  <www.kzone.com.ph>


Naranasan nyo na bang tumakbo at magmadaling umuwi galing School? Naranasan nyo na bang maghintay sa ibat ibang timeslot? At mabadtrip pag malabo ang sagap ng t.v nyo dahil sa bulok ninyong antenna?

Ako, oo. Nung bata pa ko ganyan ako. Yun yung panahon na sinakop ng anime ang telebisyon, may anime sa umaga , hapon, gabi at minsan pati  panaginip mo animated na rin. Iba ang hatak ng anime sa mga batang tulad ko noon. Pero ngayon hindi ko alam kung panget na hindi na gaanong hook ang mga batang 7 - hanggang  30 edad sa anime. Kaunti na lang sila, mas malaki na ang panahon nila sa paghaharvest ng tanim sa farmville, paglalaro ng DOTA ,pagaapdeyt ng status nila sa peysbuk at pagtawa ng “jejejeje” sa cellphone. 

Anime… isang balbal na na pananalita sa wikang hapon na ibig sabihin ay “animasyon“. Mga gumagalaw na drawing. Eksklusibo lang ang anime sa Japan, sa madaling salita hindi lahat ng animasyon ay anime at ang anime ay uri lamang ng animasyon. Gets?

Iba ang anime ng Hapon sa ibang bansa. Madaling malaman ang pagkakaiba, itsura pa lang alam mo na kung ang pinapanuod mo ay hentai o ang lakwasterang si Dora. Unique talaga ang anime, ito ang ilan sa mga palatandaan na anime ang pinapanood mo at hindi balita ni Mel Tiangco: (more…)

Posted by kunwaringwriter at 2:16 pm | permalink | comments[16]

KOL Center

August 14, 2010

 

Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, sa CALL CENTER naglipana… - Anonymous

Kring! Kring ! “Hi my name is Don! How may i help you?” yan ang pambulaga kong opening spiel sa mga dayuhang tumatawag sa min araw araw.

 

Hulaan ninyo kung ano ang trabaho ko, ang makahula ililibre ko ng lugaw sa kanto! Game!

<Pinoy Henyo theme>

<ikaw> Tao ba to?

<ako> boklogs! trabaho nga di ba?

<ikaw>  TRABAHO?

<ako> ulit-ulit?

<ikaw> TRABAHO nga? trabaho?

<ako>  oo

<ikaw> ok! So trabaho ito? isa itong trabaho?

<ako> Hindi… TAO-TAO! sinabi ng trabaho… 

<ikaw> Sorry… so trabaho nga? hehe

<ako> ……………………………….  

 

Oo. Tama. Korek. di man kayo makapaniwala sa Call Center nga ako nagtatrabaho ngayon, alam kong halos isumpa ko na ang Communication Arts Subject ko nung College,  naisulat ko pa yun sa blog entry ko na pinamagatan kong ROBOT kung tanda nyo. Maski ako hindi rin makapaniwala, pero ganun yata talaga magbiro ang tadhana -nambabatok. At anupat tao tayo nagkakamali, sumesemplang, natututo at sumasakit ang batok. (more…)

Posted by kunwaringwriter at 6:30 pm | permalink | comments[7]