KOL Center
August 14, 2010
Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, sa CALL CENTER naglipana… - Anonymous
Kring! Kring ! “Hi my name is Don! How may i help you?” yan ang pambulaga kong opening spiel sa mga dayuhang tumatawag sa min araw araw.
Hulaan ninyo kung ano ang trabaho ko, ang makahula ililibre ko ng lugaw sa kanto! Game!
<Pinoy Henyo theme>
<ikaw> Tao ba to?
<ako> boklogs! trabaho nga di ba?
<ikaw> TRABAHO?
<ako> ulit-ulit?
<ikaw> TRABAHO nga? trabaho?
<ako> oo
<ikaw> ok! So trabaho ito? isa itong trabaho?
<ako> Hindi… TAO-TAO! sinabi ng trabaho…
<ikaw> Sorry… so trabaho nga? hehe
<ako> ……………………………….
Oo. Tama. Korek. di man kayo makapaniwala sa Call Center nga ako nagtatrabaho ngayon, alam kong halos isumpa ko na ang Communication Arts Subject ko nung College, naisulat ko pa yun sa blog entry ko na pinamagatan kong ROBOT kung tanda nyo. Maski ako hindi rin makapaniwala, pero ganun yata talaga magbiro ang tadhana -nambabatok. At anupat tao tayo nagkakamali, sumesemplang, natututo at sumasakit ang batok.
Magaling na bang mag english si DON?
Sabihin na natin na nakakabuo na ako ng sentence like - “The dog is barking.” at sumasagot ng “Great! Arf!Arf! (w/ confidence)”pag tinatanong ng “How are you?”.
At syempre malaki talaga ang naitulong sa kin ng call center training, “Salamat sa TESDA! Nabigyan ko po ng kabuhayan showcase ang nanay ko at feeding program para sa mga kapatid ko. i’m proud to be TESDAnian!” sabay ngiti. Kunin kaya nila akong model sa pinagsasabi ko?
Pagkatapos ng dalawang linggong call center training (na may 60 pesos na allowance kada araw na bawal umabsent kasi babayaran mo sila pag nagkamali kang sundin ang regulation ni TESDA) ay natapos din ako. Hindi madali maghanap ng call center o sabihin nating makapasok . Bawal mambobote at mangangalakal! kailangan pormal pormalan kasi kung hindi pagkakamalan ka nilang nagaaplay na janitor nila. Saka EOP(English Only Policy) mageenglish english ka kahit security lang kausap mo o sarili mo. Ayoko mang aminin dahil abnormal at kahihiyan ko yun, nakailang bagsak ako. Multiple times sa ibat ibang Call Centers! Ayun umuuwi akong bigo bitbit ang brown envelope na naglalaman ng mga resume na pinaprint at inedit. Alam ng nanay ko kung bagsak ako o hindi, di na sya nageexpect. Minsan tinitingnan nya na lang ako sa mata, pag ganun dumederetso na ako sa kwarto at natutulog dahil ayokong marinig ang tawa niya.
Pero dahil may hiya pa ako sa katawan, pinilit kong matuto sa mga pagkakamali ko. Sinulat ko ang plano ko ang mga itatanong at dapat isasagot ko sa interview. At ang mga hindi dapat itanong at isagot lahat kalkulado ko. Para akong si Lupin at CATEYES na planado ang gagawing pagnanakaw.
At di naman ako nabigo sa panglimang pagkakataon. Ayun at last nakapasok din ako.Nung ibalita ko yun sa mga magulang ko alam kung nanumbalik ang koneksyon namin at naramdaman ko ulit na anak nila ako . Natuwa sila, lalo na ang nanay kong naging daily routine na ang pasaringan ako araw araw sa pagtambay ko at paghilata sa bahay. Napuno ng pagmamahal ang bahay namin ng mga oras na yun. Ang saya.
After 5 months ng pagistambay. Isa lang ang natutunan ko iba pa rin ang kapangyarihan ng tiyamba at paniniwala sa kaniya…
Amen.
Previous Comments
@nuts- Superdupermegasalamat! Ngayon nga lang ulit nakapagsulat hehe..
pag ginusto mo talga ang isang bagay makakamit mo ito. ^_^ napadaan
Posted by kikilabotz at August 19, 2010, 3:59 am@kikilabotz - hindi rin, hindi ko naman talaga ginusto ‘to. Parang no choice nga, kasi walang mahanap na matinong work…yung trabahong binabayaran ka habang nakaupo sa malamig na opisina at umiinom ng mainit na kape katulad ng mga kongresista.
Posted by kunwaringwriter at August 19, 2010, 4:33 am@kikilabotz -btw … exchange links tayo
nyc don… galing…
Posted by tuni at August 28, 2010, 10:25 amThank you for your share. It’s worth to read.
Posted by Coach Factory Store at June 29, 2011, 6:16 pm








galing! mahalin mo at linangin ang kakayahan mo. malayo ang mararating mo!!
Posted by nuts at August 15, 2010, 7:48 pm