UltraElectroMagnetic Blah Blah’
August 21, 2010Illustration: Taga-Ilog <www.kzone.com.ph>
Naranasan nyo na bang tumakbo at magmadaling umuwi galing School? Naranasan nyo na bang maghintay sa ibat ibang timeslot? At mabadtrip pag malabo ang sagap ng t.v nyo dahil sa bulok ninyong antenna?
Ako, oo. Nung bata pa ko ganyan ako. Yun yung panahon na sinakop ng anime ang telebisyon, may anime sa umaga , hapon, gabi at minsan pati panaginip mo animated na rin. Iba ang hatak ng anime sa mga batang tulad ko noon. Pero ngayon hindi ko alam kung panget na hindi na gaanong hook ang mga batang 7 - hanggang 30 edad sa anime. Kaunti na lang sila, mas malaki na ang panahon nila sa paghaharvest ng tanim sa farmville, paglalaro ng DOTA ,pagaapdeyt ng status nila sa peysbuk at pagtawa ng “jejejeje” sa cellphone.
Anime… isang balbal na na pananalita sa wikang hapon na ibig sabihin ay “animasyon“. Mga gumagalaw na drawing. Eksklusibo lang ang anime sa Japan, sa madaling salita hindi lahat ng animasyon ay anime at ang anime ay uri lamang ng animasyon. Gets?
Iba ang anime ng Hapon sa ibang bansa. Madaling malaman ang pagkakaiba, itsura pa lang alam mo na kung ang pinapanuod mo ay hentai o ang lakwasterang si Dora. Unique talaga ang anime, ito ang ilan sa mga palatandaan na anime ang pinapanood mo at hindi balita ni Mel Tiangco:
- Malalaki ang mga mata at uhmmm….. boobs ng mga babae
Sabi ng kaibigan ko kaya daw ganoon kasi isa sa wish list ng mga haponesa ang lumaki ang mata at lumaki ang hinaharap , kaya ang frustration ng mga lalakeng hapon sa kanilang mga asawa ay binuhos nila sa pagdodrawing. At doon nabuo ng hentai na isang uri naman ng anime.
- Lahat ng atakeng gagawin ay isisigaw muna para magkabisa
Voltes V: Ultra Electro Magnetic Top!
San Goku: Kame hame wave!!!!
Recca: Sayah!
Pikachu: PikaaaaacCHuuuu!!!!
Dora: VERRYY GOOD!
Bukod sa huling karakter, sumisigaw ang mga bida o kalaban man kung aatake sila para lang magkabisa ang kapangyarihan nila. Nakalagay kasi yun sa kontrata nila na dapat may pagsigaw na mangyayari. Kaya mas naaalala natin ang sinisigaw nila kesa sa pagkatao nila. Moja!
- Hindi natin maintindihan ang pinagsasabi nila, unless may sinipag na maglagay ng subtitle at magdubbed sa kanila
Hindi katulad ng koreanobela na hindi nagsi-synch ang sinasabi sa buka ng bibig, sa anime hindi natin napapansin yun . Mas focus tayo sa action nila kesa sa sasabihin nila. Kaya laking pasalamat natin kung dinubbed na yun sa salitang pinoy kasi mas ramdam natin ang pagkapinoy nila sa sinsabi nila katulad nito … SAKURAGI: ungas ka , Gori! asar ka!… Minsan nga lang nasosobrahan sila… DAMULAG: Hoy huwag nga kayong magtapon ng basura! dinudumihan nyo lang ang Pilipinas! , ito pa… SUNEYO: tamang tama ipapalabas to mamayang gabi sa SAKSI!
- Karaniwang hindi sila nagpapalit ng damit maliban na lang pag season 2 na!
Siguro, para madaling maalala natin kung sino ang karakter sa pamamagitan ng damit, kaya hindi sila nagpapalit ng damit maliban na lang kung kinakailangan . Halimbawa: iba ang panahon( winter, spring, summer fall o solar eclipse), o kaya nabasa ang damit ng bida dahil nahulog siya kung saan mang anyong tubig tulad ng sapa , dagat, ilog o kanal, change costume para masabing mas malakas na siya ngayon kesa noon at kung sila’y nagdidisguise. Isang tanong lang ang bumabagabag sa kin ” Bakit hindi nasusunog ang pantalon ni San Goku pag nagsusuper sayan s’ya saan kaya gawa yon bakit damit lang?” pakisagot. ehem.
- At mga bagay na magpapakita ng kultura ng JAPAN
Dyan ako bilib sa Japan, pinakikita nila ang pagmamahal nila sa bayan nila sa pagpapakita ng kultura nila sa anime. Ilan sa mga bagay ay ang Tokyo Tower na paboritong settings, Mt. Fuji, train, cherry blossom tree na magandang confetti at effect sa eksena, mga templo, mga halimaw at multo na based in japan katulad ng kappa, yuki onna, ogre o kung tawagin nila ay bakemono na counterpart naman nun sa atin ay tikbalang, multo at pulitiko.
Marami akong namimiss na anime na hindi ko na makita sa t.v ngayon. Katulad ng Mojacko, Hell teacher Nubi, Sorcerer Hunter, Monster Rancher, Evangelion, Zenki, Gundam Wing, Ghost Fighter, Flame of Recca, Kurochan, Shin Chan, BTX, Saber Marionette, UFO Baby, Blue Blink, Eto Ranger,(Ano nga ba yung title nung takure na ginagamit para makapaglakbay sa iba’t ibang panahon?) Teka Anime rin ba yung Mga Munting pangarap ni Romeo, Remi , Julio at Julia , Tom Sawyer, Secret Garden, Mahiwagang Kwintas, Alice in the Wonderland at Cedie na kaibigan ni Sara na kaaway ni Lavinia?
Anime… Naging parte ng telebisyon , naging parte ng kabataan ko. Anumang panahon ,dumating man ang mga bagong palabas, tumawa man si Spongebob ng malakas, Magsalita man si Dora sa salitang Espanyol , wala pa ring tatalo kay San Goku at sa kanyang pantalon. Ayt!
<Voltes V Ending Theme>
私達の会合まで再び別れを告げる!
Previous Comments
@YanaH - hehe oo nga! yun yung panahon dati, kakamiss. thanks sa pagbisita!
Posted by kunwaringwriter at August 22, 2010, 12:33 amang sarap sariwain nito, ramdam ko nung medyo bata bata ako, adik ako sa anime. pero dapat lumevel up din. chick na ngayon. haha joke lang
Posted by Super Balentong at August 23, 2010, 2:49 pm@super balentong - hahaha! adik’
Posted by kunwaringwriter at August 23, 2010, 9:00 pmakala ko tumatakbo pauwi kasi me LBM..dahil pala sa tv program….hahaha
Posted by pusang-kalye at August 23, 2010, 11:12 pm@pusang-kalye- Sana tungkol na lang sa batang nae LBM ang sinulat ko… hehehe .. nice idea!
Posted by kunwaringwriter at August 24, 2010, 4:10 amsuper like ko to pare.. nostalgic talaga magbasa
Posted by Jay at August 25, 2010, 8:03 pm@Jay- Salamat! Sana Like mo din fan page ko sa facebook …
Posted by kunwaringwriter at August 25, 2010, 8:32 pmnakalakhan ko nga yan, daimos, bioman, gundam wing, voltron, shin chan na kung tawagin nia ung nanay nia parang adik lang…. ehehehe, Akazukin Cha cha. Flame of Recca, Ghost Fighter, Detective Conan, favorite ko ung superboink, Time Quest ung may magic takure, tapos habang nanonood ka nian dapat kumakain ka ng snaku o kaya nano-nano… hahaha… miss childhood days.
@gnehpalle02- Salamat!!! Time Quest nga yun… yung may magic takure… ilang araw ko ring tinititigan yung takure namin , baka sakaling makuha ko yung sagot sa kanya…
Posted by kunwaringwriter at August 26, 2010, 7:34 pmngayon alam ko na kung bakit malaki ang mata nila.
Posted by Diamond R at September 2, 2010, 5:50 pmBakit parang paborito mo si Dora na palaging pasaringan may malaking galit kaba sa kanya?? heheh.
Sonriendo ante la vida, usted se sentirá mundo realmente buena!
Posted by cheap lv bags at December 13, 2010, 3:52 pmThanks for the sharing of those article! That will be helpful.*
Posted by coach bags at December 16, 2010, 9:12 amNice. naalala ko tuloy yung Lupin the third at yung peborty ku ring Ranma 1/2, Topgun
tanda ko pa nung grade 1 pa ko nun hinihintay ko pang matapos yung saksi.. kasi pang gabi yung Dragon ball z. mantakin mong pang telebabad ang san goku noon? eh ngayon wala na.. ang mapapanuood mo na ngayon tuwing gabi ay ang mga palabas na punong puno ng ka Korean shits at telepantasya
saludo nice post
)
Many thanks for providing this article. It is really useful for me.
Posted by Coach Factory at June 29, 2011, 6:15 pm









grabe! naremember ko rin yang mga yan nung kabataan ko.. naalala ko pa nga kung minsan tamad ako pumasok..magdadahilan na may sakit makapanuod lang ng mga anime.
marami naman akong natutunan na trivia tungkol sa anime dahil s apost mo na toh. salamat! hahaha
o sya, ako’y napadaan lang at nakiusyoso.. sa uulitin..
Posted by YanaH at August 22, 2010, 12:19 am