Farmer si Nanay
August 28, 2010<Tahimik ba? subukan mo i-click to para masaya…>
Nang palitan sa trono ni FACEBOOK si FRIENDSTER nung nakaraang taon bilang pangunahing social network nating mga pinoy, kasama sa mga bitbit ni FACEBOOK ang mga larong may halong isang pakete ng shabu. Oo, nakakaadik. Kahit ako na brick game lang ang alam na laro at hindi naman talaga mahilig maglaro ay naadik sa mga larong hatid ng ating paboritong pusher na si FACEBOOK. At isa sa mga kilalang tinda nito ay ang —- FARMVILLE.
Farmville - isang laro na tuturuan kang magtanim ng nakaupo. Wala kang gagawin kundi paganahin ang iyong daliri sa pag-click. click. click. No need to sing bahay kubo dahil may sariling tunog ito at totoong tunog ng hayop ang maririnig mo sa iyong mga alaga.”Meeeh Meehh” sabi ng kambing. “Mooo Mooo” sabi ng baka. “Oink Oink” sabi ng baboy. “………….“sabi ng bato. At ang farmville lang ang magbibigay sa yo ng kaligayahan na para sa isang adik di nakakabato.
Ngayon hindi na ko naglalaro nun. Naalala ko kasi sabi ng nanay ko “Anak, sinasayang mo lang ang oras mo dyan… di ka yayaman diyan.” Sinunod ko ang nanay ko at nagbagong buhay dahil siguro masunurin ako at alam kong alam ng ina ang makakabuti sa isang anak. Kaya tinigil ko ang masamang bisyo.
Nito lang nakita kong nagkalat ang isang listahan . Nagtaka ako. Hindi ito shopping lists. At twing madaling araw isang pamilyar na tunog ang aking naririnig at mga nakakatakot na alulong ng halimaw.
- Harness
- Horse shoe
- wooden board
- Brick
- Blanket
- nail
- 2 shovels
- bottle
At nalaman ko rin ang katotohanan. Ang aking nanay huling huli sa akto— naghaharvest. Naglalaro ng Farmville. Napangiti ako. Nanay ko talaga …patawa.
Previous Comments
I love such features, they make blogging to fun and loveable.
Posted by Uggs Outlet at June 21, 2011, 10:09 amWe like to honor several other sites on the web, even if they aren’t related to us, by linking to them. Below are some sites worth checking out…
Posted by Coach Outlet Online at June 29, 2011, 6:12 pm








Thanks for taking this opportunity to discuss this, I feel fervently about this and I like learning about this subject.
Posted by coach bags at April 25, 2011, 3:29 pm