Mga Kwentong galing sa KAHON ng isipan ko...

Home » Post Item » KOL Center Part II (Sa Likod ng Boses)

KOL Center Part II (Sa Likod ng Boses)

August 28, 2010

Pagkatapos ng paulit-ulit na pagkabigo at failures sa mga interviews at exams, sa kabutihang palad natanggap din ako. Isa na akong Call Center Agent. “Yahoo!” sigaw ng utak ko nung oras na pinipirmahan ko na ang kontrata, Salamat sa Teleperformance na nagbago ng paniniwala ko na ang call center ay hindi lang  para sa mga may insomnia at bampira kundi para rin sa mga taong naniniwala sa himala. 

(Ang liit ng font. hihi! )

     Sa totoo, kapos ang bansang ito sa mga trabaho at pasweldo. Kaya kahit ano pa ang tinapos mo, sa kol center din ang bagsak mo. Yun ang trabahong uhaw sa tao o manpower, kaya kalimitan makikita mo sila sa Classified Ads sa dyaryo naghahanap ng mga pilipinong tunog amerikano. Marami akong kaibigan at katrabaho na tapos ng nursing  at di lang basta tapos … “REGISTERED” nurse sila. Nakakalungkot na dito rin sila babagsak, pero ganun talaga yata mas pipillin ng mga pilipino ang madaling kaginhawaan kaysa sa trabahong mailap makita sa mga pahayagan. Saka na lang magsisihan.

“Hiyang ka ah” sabi ng isang kaibigan ng aksidenteng magkita sa isang mall. Tumaba daw ako. Medyo lang naman. Hindi kasi maganda ang pamumuhay sa kol center. Karamihan ng oras mo ay nakaupo o hindi naman ay nakaupo at kumakain. Kaya ang paglalakad kahit minsan ay mabuti sa katawan.

Maraming mga gintong aral  akong natutunan sa trabahong ito, at ang ilan ay ang mga sumusunod:

  • Ang mga Amerikano ay nageenglish.
  • Hindi lahat ng matatangggap mong tawag ay amerikano, minsan amerikana.
  • Hindi lahat ng Amerikano ay taga-America minsan taga-Pluto sila na gumagala sa ibabaw ng lupa. 
  • “Americans are born to complain” sabi ng account manager namin na hindi pinanganak sa America.
  • Hindi nabibili  ang pasensya sa botika.
  • Tinatawag na “Ghost Call” ang mga customer na tumatawag lang pero hindi sumasagot.
  • Tinatawag na “Ghost Agent” ang mga agent na may customer pero wala sa kanilang station.
  • Hindi praktikal ang bumili ng mamahaling kape sa Starbucks kung libre naman sa pantry kahit mas malasa lang ito ng konti sa 3 in 1.
  • Hindi magandang script sa customer ang “May i hold you in a secs?” .Hindi maganda sa pandinig. Hindi maganda. 
  • Nagmumura ang galit na customer.
  • Nagmumura sa isip ang galit na agent sa customer na makulit.
  • Huwag magmumura kung hindi mo sure kung naka-mute ka.
  • Hindi sa lahat ng pagkakataon dapat nageenglish ka dahil hindi sa lahat ng panahon dapat mukha kang tanga.
  • Pwedeng magsalita ng tagalog , h’wag lang sisigaw NAKAKAMATAY!.
  • Bawal magkasakit,lalo na kung isang taon bago mo makuha ang sick leave mo.
  • Ang sipon ay nakakahawa at pwedeng tumagal ng isang linggo o buwan kung aalagaan. Ngayon napapatunayan ko yan. <AaCHhuu!!*>
  • Mahalin ang jeep at bus dahil sila ang pangalawa mong tahanan pag ikaw ay nasa labas.
  • Mag-ingat sa katabi sa jeep o bus hindi sa lahat ng panahon ay maiiwasan mo ang malas.
  • Hindi tinatapon ang ticket ng bus. 
  • Traffic pag lunes lahat ng tao paluwas, Traffic pag biyernes lahat ng tao pauwi.
  • Pwedeng ma-late hwag lang aabsent.
  • Ang Eyebag ay pinagpupuyatan. Hindi ito nakukuha ng iisang gabi lang.
  • Bawal ang antukin. Hindi mo alam na ang pagidlip kahit isang segundo,paggising mo pwedeng nagpalit na ulit tayo ng Pangulo.
  • Hindi lahat ng ka-trabaho ay kaibigan. Minsan kaaway din.
  • Mabilis ang panahon sa ganitong trabaho. Kahapon co-trainee mo lang siya. Ngayon ka-team. Bukas Bisor mo na.
  • Friends come and go. Hindi tumatagal ang tinatawag mong kaibigan. Kaya ang pagkausap sa sarili ay isang magandang gamot para sa mga kaibigang naiiwan.
  •  At higit sa lahat… HINDI LAHAT NG CALL CENTER AGENT AY MAYAMAN!

 

Posted by kunwaringwriter at 6:42 am | permalink

Previous Comments

marami na naman akong natutunang ginintuang aral dito ahahahaha

lalo na ito, : Ang mga Amerikano ay nageenglish.

akalain mo un! now i know..salamat.. hahaha
halos parng parehas din tau eh.. feeling ko rin kase call center agent ako na always naka grave yard shit este shift hehehe ganunpaman, we do what we gotta do in order to survive at ang ilan sa mga yan ay ang magpalaki ng eyemaleta, magpakalunod sa kape at kaibiganin maige ang sarili..

apir!

Posted by YanaH at August 29, 2010, 12:24 am

@Yanah- Tama! sabi nga ni DORA: “THAT’S RIGHT!!” ipagpatuloy ang kalokohan. hehe

Posted by kunwaringwriter at August 29, 2010, 7:01 am

korek! ang “pasensya” ay di nabibili sa botika. sa bakery meron niyan.. :P

taaama! “Americans are born to complain” sabi ng account manager namin na hindi pinanganak sa America.

Posted by nuts at August 29, 2010, 12:07 pm

HINDI LAHAT NG CALL CENTER AGENT AY MAYAMAN! Yung iba lang.
Baka naman mayaman ka na, pakain ka naman.

Posted by MuntingBisiro at August 30, 2010, 6:10 am

lufet mo don.nyahahhahha.dats lyf natin….

Posted by dugs at August 30, 2010, 4:04 pm

@nuts - kung sa bakery nabibili ang pasensya… panu yun? “Pabili po! Pabili… Pasensya po! yung tustado, bente. padagdag ah” hehe

@muntingbisiro - HINDI LAHAT NG CALL CENTER AGENT AY MAYAMAN! Sila lang! Sila lang! Sila na’ hehe

@dugs- tama! lupet mo rin! Apir!

Posted by kunwaringwriter at August 31, 2010, 4:41 am

ngaun na lng ulit ko nakabisita dito.. i miss reading your write-ups.. maglilibot muna ko dito… basa dito basa doon..

Posted by Kay-Em at September 7, 2010, 11:36 pm

Hello..

How was your life after mo mag working student?
curious ako.

send me a msg, kwento ka naman. hehehe

Posted by pilyadoll at October 14, 2010, 2:58 pm

at bigla kong naalala ang mga escapades ko nung nag-kokolboy pa ko dati sa makati. wala kang social life pero mataba naman ang wallet tuwing payday. haha!

ang mas maganda sigurong excuse pag gusto mong jumingle habang may call sa avaya eh “may i put you on hold, ma’am/sir?”

Posted by lio loco at October 23, 2010, 2:52 pm

Sonriendo ante la vida, usted se sentirá mundo realmente buena!

Posted by cheap lv bags at December 13, 2010, 3:51 pm

Thanks for the sharing of those article! That will be helpful.*

Posted by coach bags at December 16, 2010, 9:13 am

nabasa q n din cia don!!!nakakatuwa naman!kita ule tau ah..sbay umuwi!buhayin mo n to!go!

Posted by jocelyn at January 14, 2011, 12:04 pm

very insightful. I enjoyed reading it. Give my regards to my best friend Jonathan Chan who directed me to your site.

Posted by Isko at May 29, 2011, 2:12 pm

Awsome website ! I’ve just added it to vavorites.

Posted by Coach Diaper Bag Outlet at June 29, 2011, 6:14 pm

I guess that to get the mortgage loans from banks you must have a good reason. However, one time I have received a sba loan, just because I wanted to buy a bike.

Posted by BYRDRowena25 at July 18, 2011, 12:32 pm

Add a comment