Mga Kwentong galing sa KAHON ng isipan ko...

Home » Page 2

The Writer is IN

January 18, 2009

Hindi ko alam kung paano simulan ang entry na ‘to. Iniisip ko kung gagawin ko na naman ang paghingi ng pasensya sa ‘di ko pagsusulat. Wala akong sakit. May pagkakataon lang talaga na mahirap isingit ang ibang nais mong gawin sa pila ng oras mo.  Nakakaasar nga kasi sinimulan ko ‘to tapos ‘di ko naman pala kayang ituloy ng ituloy. Ganun pala ‘no? kahit na nagkukunwari ka, nagiging makatotohanan na para sa kin na merong mga naghihintay para sa king pagbabalik(hindi sa showbiz). Nakakatuwa lang isipin na NKKSLt na pala ako hindi lang NKKBS . Pero sa sandaling ito, tumutulo na ang luha ko. Totoo walang halong kakornihan. Sa dahilang ang sakit  pala sa mata ng radiation ng computer. Napakatindi. Mukha na kong adik sa pula ng mata ko. Kulang na lang ng props na shabu. (more…)

Posted by kunwaringwriter at 7:17 pm | permalink | comments[1]

BAWAL MAGSULAT DITO!

November 4, 2008

Maraming Pilipino ang masasabing literado. Literado ka! Literado ka!. Pero ,the question is… marami rin ba sa pinoy na literado ang masasabing Edukado?. May taas kamay at taas paa na magsasabi “Oo!” ; May iba naman na magsasabi ng “HINDI noh!”; at may iba ring sasabihing “ewan, pakilam ko!”.Iba’t ibang tao. Iba’t ibang opinyon. Pero labas muna tayo sa usapang yan, pasok muna tayo sa C.R. Oo, sa C.R nga.

"Don't Pee" Threat by joankatherine

Photo by: joankatherine <flickr.com>

     Minsan, umihi ako sa isang kilalang Mall. Syempre sa C.R ng Mall. Sa Boys C.R. Habang ginagawa ko ang natural na ginagawa ng mga taong pumapasok sa C.R. May napansin ako sa dingding ng cubicle na kinaroroonan ko, nakasulat ang ganito: HI! I’M A GURL, NID TXTM8. TXT ME . 09##-#######. BOYS ONLY!!.

Huh!?  Paano may nakapasok na babae dito?.

At bukod dun marami pang sulat ang magpapapansin sa ‘yo na kumakaway at nagsasabi “Hi! pansinin mo ko!” . May naghahanap ng txtmate, classmate, s*xmate, housemate at panghalo sa kape Coffee Mate. May mga mensahe din para sa mga minamahal . Mga panawagan sa mga taong nawawala at itim na tuta.Maraming sulat.Aakalain mo tuloy phase out na ang papel sa mundo na dapat sulatan ng mga kalokohang ito.  Hindi ko alam kung anong pakiramdam ang mararamdaman ko nung mga oras na yun. Naisip ko tuloy… bakit?… bakit?… BAKIT HINDI NIYO PA PINUNO NG SULAT ITO!!! .

Ang lungkot.

 …

    Isang beses natawa ako sa kaklase ko ngayong College. Sinulatan niya kasi ang isa sa mga armchair sa school na halos puno na rin naman ng sulat. Hindi ako natawa sa ginawa niya , mas natawa ako sa sinulat niya. Ito yun:

HUWAG KAYONG MAGSUSULAT DITO!

P_t*#g!n@ Niyo!

 Ang Saya.

Posted by kunwaringwriter at 3:01 pm | permalink | comments[5]

Mag-inang Langaw

October 27, 2008

    Alam ninyo ba na mayroon pang kwento ang ina ni Rizal bukod sa mga gamu-gamong nasunog sa Ozone Disco? Oo , meron nga. Ito yung tungkol sa Mag-inang Langaw. Hindi mo pa naririnig yun noh. Kasi nga hindi pa naman kasi yun tinuturo sa School. At habang hindi pa tinuturo yun, at hindi naman talaga ituturo yun dahil gawa-gawa ko lang yun, ikukuwento ko na lang .

 

<sounds fade-in> ♪Heto na… heto na… heto na.. haha… Doobidoo bidoo… bidoo bido…Doobidoo bidoo… bidoo bido

 

Noong unang panahon a long long taym ago. May mag-inang langaw na umaali-aligid sa isang tumpok ng tae. Paikot ikot na lumilipad sa ibabaw niyaon. Animo’y isang ginto na nagliliwanag sa kanilang mga mata ang taeng mainit init pa.

 

“Mommy, i’m hungry na. Can i eat na that sh*#!” sabi ng batang langaw.

“Saglit lang anak maghintay ka, ilang ikot pa. Lipad pa! Lipad! Alam mo naman na ritwal ang pagikot bago ang pagdapo. di ba?” ang inang langaw.

“Whatever!(with “W” hand sign)” sagot ng batang langaw. (more…)

Posted by kunwaringwriter at 1:13 pm | permalink | comments[8]

Patawad.Sorry. Pasensya.

October 21, 2008

First of all. Una sa lahat..

Sa mga readers na naghahanap ng kanin-baboy dito sa blog ko.

Sa mga readers na kumakatok at bumibili ng yelo at ‘di ko mabigyan dahil sa hilaw pa ang konsepto.

Sa mga readers na naghihintay ng jeep sa kawalan.

Sa mga readers na mahilig sa nilaga dahil sa tiyaga.

At lalong lalo na sa mga pinangakuan ko at napako.

 insert>>    “Sorry na ha?!

 ><><

     Pasensya na sa mga araw at gabi na naging GHOST TOWN ang lugar na ito.Siguro nauumay na kayo sa mga panis na write-ups ko at naghihintay na makatikim ng “bago”.Pasensya na … naging busy ako. Hindi ko man lang nabibisita tong mundong binuo ko.

Malaking kulangot talaga sa pagsusulat ang pagiging busy. Kaya sa nga inspiring na maging totoong writer,payo ko lang: maglinis muna ng ilong bago sumabak sa gulo. Mahirap kasing magsulat kung wala ka namang panahon at oras magsulat. Malabo pa yun sa sabaw ng pusit na gusto mong dumumi pero ‘di ka naman tumatae.Lumalabas lang na dyino-joke mo lang ang sarili mo at sa huli mauuwi ka lang sa pagkukunwari na katulad ko.

Posted by kunwaringwriter at 12:04 pm | permalink | Add comment

Sa Daan

September 22, 2008

  

     Nakita kita. Nakita mo rin kaya ako? Naglalakad ka. Naglalakad din ako, kasama ko yung mga kaklase kong may mga hawak na payong.Iba’t ibang kulay nga yun. Napansin mo kaya kami? Gusto sana kitang lapitan, at itanong kung kumusta na sila o parang baliktad ata ako ang gusto mong tanungin kung kumusta na ako… Pero di kita nakausap. ‘Di mo rin ako nakausap. Tatawagin sana kita, pero agad mong nilabas ang cellphone mo at nagpipindot-pindot ka sa keypad nun. Siguro may nagtext sa yo ,o kaya naman magtetext ka  o yun yung akala ko. Nailang tuloy ako.Mabilis lang ang segundo at malayo ka na ng maisipan kong sana pala tinawag kita… Sayang.

Posted by kunwaringwriter at 3:33 pm | permalink | Add comment