Sa Daan
September 22, 2008Nakita kita. Nakita mo rin kaya ako? Naglalakad ka. Naglalakad din ako, kasama ko yung mga kaklase kong may mga hawak na payong.Iba’t ibang kulay nga yun. Napansin mo kaya kami? Gusto sana kitang lapitan, at itanong kung kumusta na sila o parang baliktad ata ako ang gusto mong tanungin kung kumusta na ako… Pero di kita nakausap. ‘Di mo rin ako nakausap. Tatawagin sana kita, pero agad mong nilabas ang cellphone mo at nagpipindot-pindot ka sa keypad nun. Siguro may nagtext sa yo ,o kaya naman magtetext ka o yun yung akala ko. Nailang tuloy ako.Mabilis lang ang segundo at malayo ka na ng maisipan kong sana pala tinawag kita… Sayang.
Drawing
September 12, 2008Nung bata pa ko, nung mga panahong wala pa akong alam, nung mga panahong bobo pa ko sa mga bagay na nasa paligid ko, nung mga panahong di ko pa naiisip ang mga bagay na ito. ‘Yun yung panahong di ko nakita ang sarili ko sa pagsusulat sa parehong paraan na ‘di nakita ng pagsusulat sa akin— ang pagiging MANUNULAT.
Kahit na minsan lumalabas ang CHAKRA ng pagiging writer ko, mas nangingibabaw pa rin ang AURA ng pagiging artist ko.
Drawing… drawing… drawing…
Masarap magdrawing kahit di ko alam kung anong lasa ng pakiramdam na yun. Yung pakiramdam na nakabubuo ako ng mga hugis na nagkokorteng alien , ng mga hugis na di ma explain ng mga scientist, ng mga hugis na magmumukhang Mona Lisa sa king mga mata, ng mga hugis na papalakpakan ng mga ipis at daga. Ang sarap talagang magdrawing. (more…)
Boy Palaboy
August 7, 2008…
Sa isang kawalan…
<o.o> Psst…
<ikaw> huh? .(nakatitig pa rin sa monitor at naguguluhan)
<o.o> opo, kayo nga po… kilala mo ba ko?.
<ikaw> ha? hindi… sino ka ba? sikat ka ba? miyembro ka ba ng kuponan ni Taguro?.
<o.o> hindi… Sinong Taguro?.
<ikaw> di mo kilala yun? helerrr , yun lang naman ang pambansang bayani ng mga kabataan ngayon (more…)
Dalaw
August 5, 2008Mahirap rin pala ang magkunwari. Yung tipong gusto mong gumana ang mga kamay mo upang magsulat pero wala… walang lumalabas, walang ideya, walang kwenta. Parehas kami ng ballpen ko na nakatunganga , nagpapakiramdaman kung sino ang unang kikilos at gagalaw.
Minsan guguluhin ka pa ng kapatid mong pakialamera.
Kapatid: Ano yang sinusulat mo kuya?
Ako: Wala…
Kapatid: Ano nga yan?
Ako: Wala …
Kapatid: Pabasa naman… please3X
Ako: <*Buntong hininga*>
Pagkatapos nun magliligpit na ko, titigil na ko . Walang mangyayari sa pagkukunwari. Hihintayin ko na lang na dumalaw ang ideya.
Dear IDEYA,
Dalaw ka naman sa utak ko, kahit minsan lang. Kahit once a week lang. Libre na ang meryenda magtrabaho ka lang sa kin.
Kwentong ‘la Kwenta
August 1, 2008Isang mainit na tanghali ng Sabado, kasalukuyang gumagana ang aming mga daliri sa pagta-type ng context ng Handbook ng STI. Habang abala ang aming guro sa kanyang ginagawa ,isang malakas na pagsabog ang aming narinig. Natigilan sa pagta-type ang aking mga kaklase kahit yung iba’y naglalaro lang ng Games, pati sila natigilan.
“Ano, yun?!” tanong ng isa kong mga kaklase.
Ang mga instructor sa faculty ay nagkagulo at naglabasan, kasama ring nagkagulo ang mga ipis na nagliliparan.Ang aming guro na si mam.Anna(di ko lam kung tama na Anna yung name nya) ay lumabas, ako pati ang aking mga kaklase ay di halatang apektado. Yung iba nagaasaran pa at yung iba kinuha ang pagkakataon na ilabas ang mga cp nila at magtetetetetetetetetext ting’ sa kanilang mga txtm8.
Ako naman ay nakatingin lang sa bintana, nang mayamaya’y may mapansin ako. “A-a-ano……….?” (more…)











