Mga Kwentong galing sa KAHON ng isipan ko...

Home » Page 4

Kinakasal na Tikbalang

July 10, 2008

 

Nung isang araw, sinamahan ako nang kaklase ko sa mall.Bibili sana ako ng Bag, pero hindi bag ang nabili ko.

Sa daan pa lang nagbabanta na ang panahon na hindi siya ok. Medyo alanganin nga eh, di mo alam kung uulan ba o sadyang maulap lang.

Pero wrong timing eh, inabot kami ng nagsisimula pa lang na ulan.Napatakbo tuloy kami.Wala lang nakisabay na rin sa mga tumatakbo parang mga gremlins na takot na dumami.Yung iba nilabas na ang makukulay na payong pabonggahan ang labanan.

Pagsakay namin, medyo umuulan pa rin.Nasa harapan kami ng jeep umupo.Kasabay ng ulan biglang umaraw.Blending kumbaga, umaaraw na umuulan pa.Astig.

Biglang naalala ko nung bata pa ko ang paniwala ko nun.Pag umuulan na umaaraw, may kinakasal na tikbalang.Syempre hindi totoo yun dala yun nang kabobohan ko nun at kababawan.

Sabi nung kaklase ko may kinakasal daw na palaka, yun yung version naman ng kabobohan nya.

Nung nasa Grade 5 ako nareveal na at nasagot ang katanungan kung bakit may ganung datingan ang panahon.Pero sa tagal na nun, ngayon nalimutan ko na ang sagot , tanong nyu na lang sa PAGASA.Pero isa lang ang sure ko, may pasok pa rin pag ganun(Siguradong badtrip yung mga tamad).

*** 

TIP: Kung gusto mong di mapansin ang pagiyak mo, mainam na magpaulan ka sa labas.Tiyak na mailalabas mo ang sama ng loob mo ng walang nakakaalam.

*Siguraduhin lang na may dala kang sabon, at shampoo.Sabay mo na rin pagligo mo 

Posted by kunwaringwriter at 8:17 pm | permalink | comments[3]

Working Student

July 8, 2008

Aral +Trabaho= PAAAAGOOOOODDDDD!!!!!!

                                                - Kunwaring Writer

Hirap talaga… nahahati ako sa dalawang mundo.Ang Gabi ay wala nang pinagkaiba sa umaga.Paguwi ko nang bahay maririnig ko na ang tilaok ng manok sa likuran bahay namin nagsasabing“Umaga na !!! Gising ka pa?!..bok”.(Lecheng manok to’ makilam ba?)

Hayyy… kakapagod talaga.Mahirap kasi eh, hirap na nga ang pamilya mo wala ka pang gagawin.Eh kung may magagawa ka naman ,bakit di ka gagawa?.

Sabi nga ng teacher ko ngayon pa daw ko nagtrabaho kung kaylan sangkatutak na project at problema ang babalot sa ming petiks na laman.Eh kung pwede nga lang eh, kung sapat ba ang kita ng aking ama sa ming anim na magkakapatid hindi na ko magtatrabaho- pero MALAKING ‘HINDI eh’.

Malaki rin ang binago nang aking katawan, nangayat ako gaya ng payat na aso.Nabalewala yung kain tulog na ginawa ko nung summer…nabalewala.

Pag pumapasok ako sa school,parang lumilipad ang aking utak.Pero di pa naman naaapektuhan ang aking pag-aaral.Bukod sa muntik na akong makatulog sa Professional Ethics kong subject na kinantahan pa ng nangaasar kong guro,( nagmemeditate daw ako) ay wala pa naman ,wala pa…sana.. sana..sana..

Medyo parang ewan din akong kausap umu-oo ako kahit di ko naiintindihan,naaasar ako kahit walang dahilan.Ewan..basta di ako nasisiraan…

Tanong: Ang Lason ba pag naexpired na lason pa din?

.

..

Sagot: Ewan…

Hayy..sana matapos na ang ulan, na pumapatak sa king mumunting tahanan.Sana… Sana…

(kunwari hindi pa tapos pero tapos na sobra na …inaantok na ko)

(fade in: ♪Rock a bye baby on the tree top, when the wind blows ♪…uhmm di ko na alam)

Posted by kunwaringwriter at 8:45 pm | permalink | comments[10]